18

19 2 0
                                    

Third Person

"sigurado ka bang tutupad sa usapan yung judge? " anas ni Bex sa lalaking kausap nya

Si Drey

"Siguradong sigurado. Malaki na ang lagay ko sa kaniya. At isa pa ay feminist ang judge na iyon. Balita ko pa nga ay sarado ang tenga nya sa defense panel kung sexual harassment ang kaso.  Kaya galingan mo ang pag arte mo bukas" tugon ng lalaki rito

Napaismid si Bex rito

"ako pa ba? " mayabang na sabi nito

"Tapos na ang kasong iyon bukas. Makakapag debut ka sa susunod na linggo nang maayos at wala pinoproblema." ani Drey

"Hindi ba't may pangatlo pang trial?" tanong ni Bex

"Iyon ay kung may bagong ebidensya o witness na maipepresinta ang kabilang panig. Pero paniguradong wala silang mahahanap na ebidensya. Naasikaso na ni Chairman Jax ang record ng cctv sa security department ng condominium ninyo. Ipinabura na niya ang record na pumasok kami doon ni Keith sa unit mo" nakangiting- demonyo na sabi ni Drey

Napangiti rin si Bex

"Talaga palang ganun kalala ang impluwensya ng Chairman Jax na iyon. Hindi ba't bastardo ang isang iyon?" komento ni Bex

Kunot-noong napatingin si Drey sa babae

"Matapos kang tulungan nung tao ay nakukuha mo pang magkomento ng mga ganyan?" tila nangangaral na tono ni Drey

"Tss. Anong tulong ang sinasabi mo?! Kaya niya iyon ginagawa ay dahil may hawak tayong alas sa kanya! Kung hindi pa nga natin ginawa ang plano ko ay parang wala naman yun balak bigyan ako ng break! " taas-kilay na ani Bex

"At isa pa... Totoo naman iyong sinasabi ko... Nagpapakasasa sya sa yaman at kapangyarihan ng apelyidong ginagamit niya gayong hindi naman nya---" hindi naituloy ni Bex ang sasabihin

Marahas na hinawakan ni Drey sa braso ang babae

"Kung ayaw mong hindi na tuluyang makapasok sa industriyang ito, itikom mo iyang bibig mo! Tandaan mo, hindi lang ikaw ang babagsak kapag may nakarinig sa iyo" nagbabantang ani Drey

"Bitawan mo ko!" pwersahang tinanggal ni Bex ang kamay ni Drey sa braso niya

"Umalis ka na nga. Nagpapractice pa ako" pagtataboy pa nito sa lalaki

Nanggigil man sa inis si Drey ay iniwan niya na ang babae sa rehearsal room nito

Aishy POV

Pupunta ba ako o hindi?

Hindi ko na malaman kung ilang beses ko nang naitanong sa sarili iyan

Ngayon ay araw ng Biyernes, wala akong pasok, at ito ang ikalawang pagdinig ng kaso ni Ysh

Sa totoo lamang ay gusto kong pumunta. Gusto kong masaksihan hanggang dulo kung anong magiging hatol sa kanya

At isa pa...

Gusto ko siyang makita

Magmula nung araw na sinabi niyang ayaw niya na akong makita ay di na rin talaga kami nagkita pang muli.

Ni hibla ng buhok nya o anino man lang ay di ko na napansin pa, kahit pa nga nasa loob lang naman kami ng iisang unibersidad

Maging si Migs ay naging madalang ko na ring mamataan sa school. Kung mapansin ko man ito ay tanging batian lang ang nagiging usapan

I See YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon