14

11 2 0
                                    

Dreyco on media

Third Person POV

"Sinabi ko na nga sa iyo! Tagilid tayo sa kaso! Gawan mo ng paraan iyan! Tutal ikaw ang nakaisip nito!" bulyaw ni Bexzymir kay Drey

Nasa condo unit sila ngayon ng lalaki. Dito dumiretso ang dalaga matapos ang unang trial ng kaso na isinampa nito sa dating nobyo nya

Katatawag lamang ng isa sa mga abogado mula sa legal team ng Universe Entertainment kay Drey at inireport dito ang mga kalagayan ng mga bagay bagay na may kinalaman sa kaso

"Kumalma ka nga! Ako ang bahala sayo! Madali lang maglagay sa mga iyan! Ang mas pag tuunan mo ng pansin ngayon ay ang nalalapit mong debut! Kapag ikaw ay nagkamali sa performance mo, hindi lang ikaw ang mapapahiya kundi pati ako!" anas ni Drey

"Ako lang naman ang sasayaw doon! Kung hindi ko maalala ang steps ay pwede akong mag ad-lib" tugon ni Bex saka umirap

"Sinasabi ko sayo! Baguhin mo ang ganyang attitude dahil lalamunin ka ng buo ng ibang artista kung ganyan ang mind set mo" pangaral ni Drey rito

" Ilang taon na akong trainee! Alam ko ang mga ginagawa ko!" bulalas muli ni Bex

Naiinis man sa pagka-mapagmalaki ni Bex ay pinili ni Drey na pigilan ang sarili

Wala syang choice dahil dalawa nilang plinano ito. Kapag nag debut na si Bex ay si Drey ang magiging manager nito.

Ito lamang ang naisip na paraan ni Drey upang maging Manager na sa wakas dahil ilang taon na itong nag titiis sa pagiging Asst. Manager na utusan lamang ng Manager. Ang mas nakakasakit pa ng ego niya ay babae ang nag uutos sa kanya

Nang nakaraan lamang ay nagamit na  nila ang unang barahang meron sila laban kay Chairman Jax.

Ang siste ay nagtungo si Bex upang ipakita ang video ni Keith na tila may ginagawang kahalayan sa kaniya, upang i-blackmail ito at makakuha sya ng oportunidad na sa wakas ay makapasok sa industriya ng showbiz. Kasama na rin sa plano nila ang pagtatalaga kay Drey bilang Manager nito.

"P-pero... A-anong magiging parusa kay Ysh kapag guilty ang hatol sa kanya?" tila maingat na pagtatanong ni Bex

Napatingin dito si Drey at sinubukang basahin ang ekspresyon ng dalaga ngunit nag-iiwas lamang ito ng tingin

"Ha! Wag mong sabihing nag-aalala ka pa doon? Ano? Mahal mo pa?! Minahal mo ba talaga?" anas ni Drey

Napahinto ng bahagya ang babae at tila napaisip sa katanungang iyon ni Drey. Totoong minahal niya si Ysh. Totoo ang naging pakikitungo niya sa dating nobyo. Ngunit sa ngayon ay mas pinipili niya munang tuparin ang pangarap niya.

"H-hindi sa ganun! S-syempre kahit paano ay hindi ko naman sya gustong mabulok sa kulungan. Kahit paano ay malaki ang naitulong nya sa akin. Yun lang yon, wala nang iba" pagpapaliwanag ni Bex

"Tss... Wag kang magpanggap na isa kang mabuting tao sa loob mo. Tandaan mo, ikaw ng desperadang maging artista. Ikaw ang nakaisip ng pang black mail sa Chairman. Ikaw ang gumamit kay Keith. Kaya wag mo kong papairalan na para bang nakokonsensya ka ngayong nandito na ang problema" mariing sambit ni Drey

Hindi nakasagot si Bex dahil totoo ang mga sinasabi ng lalaki.

Ngunit sa loob loob nya ay labis na syang nakokonsensya dahil sa pagkadawit sa nobyo niya, na sya ring pinakamatalik na kaibigan niya.

Hindi kasama sa plano nila na masasangkot dito ang nobyo niya ngunit nangyari na ang nangyari.

Hindi nya pwedeng isuko ang pangarap niya, kahit pa kapalit niyon ang pagkasira ng relasyon nila

I See YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon