27

6 1 0
                                    

Ysh POV

Ilang araw na ang nakalipas matapos ang isa na namang katangahang nagawa ko

I just kissed Aishy

Magmula noon ay naging awkward na ang atmosphere para sa aming dalawa

Aalis ako ng maagang maaga para maghanap ng trabaho, pati na rin magtingin tingin ng pwede maupahang apartment na kakasya sa budget

Pagkatapos niyon ay uuwi naman ako ng gabing gabi na dahil nahihiya na talaga ako sa kanya

Hindi ko alam kung ano nag naging epekto noong ginawa ko sa kanya pero wag naman sanang nabastos siya

Bigla na lamang kasi syang umalis pagkatapos ko syang mahalikan at hindi ko na namalayan anong oras sya nakauwe ng araw na iyon

Basta magmula noong ay sa iisnag bubong kami tumutuloy ngunit madalang kaming magkatagpo

Kagaya ngayong araw, pinili kong hindi muna umalis ng maaga dhil sabado naman ngayon.

Gusto ko na rin sana makausap sya tungkol sa nangyari, hindi ko naman pinagsisisihan iyon pero kung naoffend sya sa pabigla biglang pagkilos ng bobo kong labi ay handa naman ako humingi ng paumanhin

Si Aishy na lang ang kaisa isang taong nasa side ko ngayon, at hindi maganda kung nagkakailangan kaming dalawa

Ngunit sa kasamaang palad, siya naman ang maagang umalis, di ko alam kung san siya nagtungo dahil paggising ko ay wala naman na siya sa bahay

Kaya heto ako ngayon kumakain ng breakfast mag isa

Sa ilang araw na paghahanap ko ng trabaho, swerteng tinanggap agad ako bilang waiter sa Twin Cup

Pasalamat ako at nandun si Bern nung nag apply ako kaya naman walang anu anong tinanggap ako at maaari nang magsimula next week

Biodata lang ang hinahanap ni Sir Harith kaya pabor na pabor sa akin

Huling kutsara na nang kinakain ko ang isinubo nang biglang tumunog ang doorbell

Si Aishy na kaya yan?

Naitanong ko sa sarili
Tila naman bigla akong ginanahan sa naisip

Dahil tapos na rin naman ako ay dali dali niligpit ko muna ang pinagkainan bago binuksan iyon

Ngunit biglang bagsak ang balikat ko nang hindi ang inaasahan ko ang bumungad sa pinto

"oh? --Mr. Yshmilzo Tan,  tama? " bungad ng isang lalaki na siyang nagdoorbell

"A-ako nga po, sino po sila? " tanong ko rito

"I'm here for Aishy, is she around? " tanong pa nitong muli

Anong kailangan nito kay Aishy?

Napakunot ang noo ko habang naisip iyon

Teka....  Hindi kaya...

"A-ah wala po eh, umalis po sya kanina... P-pero kaano ano niya ho kayo? " diretsahang tanong ko

"Mmmhhh... Ako? Let's just say that I love her... Ikaw ba,  bro? " tila sarkastikong pagkasabi nito ng may nakakalokong ngiti

Nagtama ang paningin namin at nakikita kong nakikipagtagisan sya ng tingin.

Anong ibig niyang sabihin? Anong "ikaw ba bro? ". Kung mahal ko rin si Aishy

"Nevermind, what matters is that I love her, and I know for sure that she love me too. Would you mind letting me in? " sarkastiko muling sambit nito

I See YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon