16

11 2 0
                                    

Aerith on Media

Ysh POV

"Pre! Sa dorm ka matutulog mamaya?" tanong ni Migs sa akin habang sabay kaming nagbabanyos

Katatapos lamang ng aming training. Sinuspende ang klase sa lahat ng antas ngayong araw dahil sa bagyo kaya naman napagkasunduan na lang ng team namin, at ni Coach, na hindi na rin muna ituloy ang afternoon training namin

"Oo" tipid kong sagot dito

"Bakit hindi mo na lang kausapin si Aishy? Dun ka na lang muna, magbayad ka na lang ng boarding fee sa kanya. Sa tingin ko naman papayag yun" suhestiyon nito habang nagpupunas ng buhok gamit ang tuwalya niyang kulay pink

Hindi ito ang unang beses na iginiit nya ang ganitong klase ng tanong sa akin. Hindi ko rin alam kung bakit pilit niya akong tila itinutulak na manirahan sa unit ni Aishy gayong alam niya naman ang kalagayan ko ngayon. At isa pa ay babae si Aishy at lalaki ako. Gaya lang din ng lagi kong sinasabi, hindi ako inosente

"Bakit hindi na lang sayo? Dun mo pa talaga ako pinagtutulakan sa babae." kontra ko rito

"Ul*l! Kahit gustuhin ko pre, kapag nalaman ng mommy ko, panigurado parehas tayo mayayari." sambit pa nya

"Curious lang ako, bakit ba ayaw ng mommy mo na magkaroon ka ng kaibigan?" tanong ko rito

Napaseryoso naman ito at bahagyang natahimik bago sumagot

"Hindi ko rin alam eh. Ang alam ko lang, mula bata pa ako ayaw na niyang masyado akong naa-attach o nagiging sobrang close sa ibang tao. Lagi niyang pinapaalala na ang mga iyon ay kaibigan lang kung nasa magandang kalagayan ang estado ko sa buhay. " ani Migs

Hindi na ako tumugon pa dahil alam kong masyadong sensitibo si Migs pagdating sa usapin ukol sa mommy nya.

Minsan ay umaamin itong nasasakal sya sa kahigpitan ng mommy nya ngunit sa huli ay sinusunod nya na lamang ito. Binibigay ng mommy niya lahat ng luho niya, kaya naman kahit paano ay nakukuntento na lang si Migs doon.

Nagbihis na ako ng pantalon na itim at puting tshirt.

Napagdesisyunan ko kasi na maghanap ng part time job upang kahit paano ay matustusan ang pang araw araw ko.

Sa totoo lamang kasi ay nahihiya na ako kay Migs sa tuwing nililibre nya ako ng pagkain namin ngunit wala naman akong magawa. Bukod sa wala rin talaga akong pambili, si Migs din kasi yung tipo ng kaibigan na hindi mo pa hinihingi ay naibigay nya na.

Taliwas iyon sa pagpapalaki ng mommy nya sa kanya. Hindi ko sinasabi na masama o hindi maganda ang pagpapalaki ng mommy nya. Ang ibig kong sabihin ay pinalaki si Migs ng mommy nya sa pananaw na hindi kailangan ang mga kaibigan sa buhay. Ngunit kung ako ang tatanungin, isa si Migs sa ehemplo ng isang tunay na kaibigan.

Ngunit kahit ganoon, ayokong abusuhin ang kabaitan ni Migs. Kaya naman ngayon ay maghahanap ako ng trabaho kahit sa mababang sahod lamang. Isa pa ay nahihiya at naiilang na rin akong makituloy kay Aishy sa tuwing hindi ako pwede makituloy kay Migs. Babae sya at lalaki naman ako kahit pa para sa akin o sa kanya ay walang malisya ang ginagawa kong pagtuloy sa bahay nya, iba ang maaaring isipin ng iba. At iyon ang iniiwasan ko, sapat na ang ako ang kinukutya. Ang hindi ko maaatim ay iyong mga masasamang sasabihin ng ibang tao sa mga taong malalapit sa akin dahil lamang kasama nila ako.

Kung sa dorm naman ay hindi lilipas ang isang gabi na hindi umiinom, naninigarilyo o nambababae ang iba naming team mates. Bukod sa ayaw kong malulong sa ganung mga bisyo, hindi ko rin afford na magkaroon ng bisyo.

"May pupuntahan ka pa?" tanong ni Migs na noon ay nakabihis na rin

"Maghahanap ng trabaho" tugon ko habang inaayos ang hinubad kong jersey

I See YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon