12

13 3 0
                                    

Kim on media

Aishy POV

Ilang araw na ang nakalipas ngunit tinatanong ko pa rin ang sarili ko kung ano ba ang gusto ko sa hinaharap

Ilang araw na rin nang huli kming magkasama nila Migs at Ysh

Naging abala sila sa ensayo at ako naman ay sa nagdaan na exam week

Naipasa ko naman ang mga pagsusulit ko, tamang pasado lang

Gaya nang sinabi ko, 70 lang naman ang kailangan para pumasa, aanhin ko ang sosobra sa score ko?

Pagkatapos ng exam week ay mas naging puspusan ang pag aaral namin. Walang oras para mag-unwind o huminga, dahil kada araw na pepetiks ka ay limpak limpak na gawain ang tatambak sa iyo

Minsan iniisip ko, paano kaya kung hindi na lamang ako nag aral ng program na related sa medicine. Panigurong di hamak na mas madali ang buhay ko.

Ngunit kokontrahin agad iyon nang mga tila flashback sa isip kong nagpapakita kung gaano kagusto ng mommy ko na maging doktor ako. Marahil ay dahil frustrated doktor sya. Hindi nga lang sya pinayagan ni Lolo na magdoktor. Dahil sa pamilya namin, it's either you'll be a Lawyer, or nothing at all

Gusto nilang panatilihing dumadaloy ang dugong ang nilalaman ay bawat titik ng Saligang Batas sa pamilya namin.

Alam kong hindi ako ligtas sa di makatarungang batas na iyon sa pamilya namin, kaya nga ako humiwalay sa kanila

"Haaaayyyy... Nakakaantok talaga magturo si Mr. Clean" reklamo ni Bern habang nag iinat.

Ang Mr. Clean na tinutukoy niya ay ang professor namin sa Ethics, isang minor subject

Bukod kasi sa sadyang nakakaantok ang subject na iyon, ang boses pa ng professor namin ay tila lullaby ang tunog.

Natawag naman siyang Mr. Clean dahil kalbo ito at laging nakangiti.

"Sinabi mo pa... Pero wala eh, kailangan pumasa. Last term na natin ito. Tiyaga tiyaga na lang" tugon ko rito

Ilang buwan na lang gagraduate na ako sa kolehiyo ngunit hindi ko pa rin alam ang gusto kong gawin pagtapos ko mag aral

Hindi pa ako handa harapin ang buhay adult.

Isa pa ay hindi ko pa rin makumpirma sa sarili ko kung ano ba talaga ang pangarap kong propesyon

Hindi man sinadya nang dalawang, Ysh at Migs, ang mga hinuha nila, malaki ang naging epekto noon sakin

Some may think na pagkatapos ng kolehiyo ay hayahay na ang buhay

Pero hindi, there is more to see in this world

Hindi sa nag sisisi ako na nagfocus ako masyado sa paghanga at pagsuporta ko kay Wren, ngunit tuwing iniisip ko ang mga kilos ko nang mga panahong iyon, there's a part of me that feels so sorry for myself.

Gayunpaman wala na akong oras para pagmukmukan pa ang mga iyon.

"San ka maglulunch? Sa cafeteria natin? Sa cafeteria ng ibang department? O sa labas?" tila nakaahon ako sa malalim na pag iisip nang nagtanong si Bern

"Kahit saan, ikaw ba? San ka kakain?" balik tanong ko naman dito

"Actually may baon ako eh. Nagtitipid kasi ako ngayon, nagkasakit yung bunso namin. Kinailangan namin isugod sa ospital. Dito na nga lang sana ako kakain, nakakahiya naman kase kung makita ako ng iba nating schoolmate na nag-uulam ng tuyo at kamatis. Ang aarte pa naman ng ibang babae" nag aalalang tugon nito

I See YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon