13

21 3 0
                                    

Bexzymir on media

Aishy POV

Biyernes...

Nagising ako sa ingay ng tila kumukulong mantika at halimuyak ng bawang

Iminulat ko ng marahan ang mga mata ko at nasilayan sa bintana ng mumunti kong silid ang tila kagigising lang din na Haring Araw

Mula sa pagkakahiga ay umupo ako at nag inat inat ng mga braso habang humihikab

"Anong oras na ba?" anas ko sa sarili bago inabot ang cellphone ko na nasa side table ko sa gawing kanan upang tingnan ang oras

6:02 am

Namangha naman ako sa sarili nang makita ang oras

Wala akong pasok tuwing biyernes kaya naman bilib na bilib ako sa sarili ko na nagising ako ng maaga

Maliban sa pagkabilib ko sa sarili ay tila nananabik akong gumising. Hindi ko mapunto kung ano ang tunay na dahilan, o dapat bang sino ang itinatanong ko sa sarili

Ngunit ang isiping ang taong iyon ang una kong masisilayan ngayong araw ay nagdadala ng kakaibang kasiyahan sa akin

Kagabi ay sa unit ni Migs natulog ang mommy niya kaya naman napakaripas ng takbo dito sa unit ko si Ysh. Dahil rin doon ay dito na sya nagpalipas ng gabi

Ibinalik ko sa dating kinalalagyan ang cellphone ko at bumangon na at humayo sa kusina

Pilit kong pinagmumukhang kalmado ang sarili kahit ang kaluluwa ko siguro ay abot batok na ang ngiti

"good morning" bati ko nang makarating ako sa kusina kung saan naroon ang tila concentrated na concentrated sa pagluluto na si Ysh

Nilingon ako nito at ngumiti

"Morning. Sakto matatapos na ako magluto." kalmadong sabi nito

Wala namang esesyal sa tono nito ngunit may kung ano sa sikmura ko ang parang kinikiliti

Napangiti na lamang ko at di na sumagot dito bagkus ay kumuha ng baso at nagsalin mula sa water dispenser

Naging habit ko na ang pag inom ng tubig sa umaga magmula nang namuhay ako mag isa

Nang matapos sa pag inom ay umupo na ako sa lamesa

Eksakto namang dinala na rin ni Ysh ang mga niluto nya

Hindi ko alam kung ano ang mas mukhang masarap iyong mga niluto ba niya o yung mismong nagluto

Pakiramdam ko ay ito na siguro ang best day ever ng buhay ko

"Waaahhhh! Mukhang masasarap ang mga ito" manghang reaksyon ko

"Hotdog at itlog lang naman ang mga yan." tugon nito

"Hindi lang ito basta hotdog at itlog. Hotdog at itlog mo ito" wala sa sarili kong sabi

Nang matauhan ako sa sariling kagagahan ay pinanlakihan ako ng mata at tila nanlamig ang buong katawan ko

Omg self! Ang aga aga! Puro katangahan ka!

Kumunot ang mga noo ni Ysh at tinignan ako ng tila kinukumpirma kung tama ba nag pagkakarinig niya

"Ah... Eh.... Ano... What I m-mean is--" sinusubukan ko pa lang humanap sa mumunti kong utak ng ipapalusot ay pinutol na ako nito

"Mukhang masarap ang hotdog at itlog ko?" mahinahon na tanong nito ngunit kasabay niyon ang nakakalokong ngiti at nang-aasar na tingin

I See YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon