19

15 2 0
                                    

Ysh POV

Halos hindi ako kumukurap habang nasa kawalan ang paningin.  Nakahiga na ako sa ilalim na parte ng double deck ngunit pakiramdam ko ay pagod na pagod pa rin ako

Tatlong araw na ang nakalipas magmula nang dinala ako sa lugar na ito

Youth detention center

Dahil 18 years old pa lamang ako sa ngayon, kinokonsidera pa akong menor de edad. Hindi ko alam kung swerte ba o malas na November 1 pa ang birthday ko

Samu't saring isipin ang ilang araw na ring nanggugulo sa utak ko. Sa sobrang dami ay di ko na makuha pang intindihin. Pakiramdam ko anumang oras ay sasabog na ang ulo ko

Maraming tanong ang bumabalisa sa akin tulad nang

Anong nangyari?...
Paanong nahatulan ako ng guilty gayong wala namang matibay na ebidensya laban sa akin? ....
Bakit naging ganoon ang hatol? ...

Gulong gulo na ako,  at kahit anong gawin kong pagsubok sagutin ang mga katanungang iyon,  wala akong makuhang eksplanasyon

Kung gaano kagulo ang utak ko,  ay ganoon rin ang nararamdaman ko. Hindi ako ang tipong sentimental ngunit noong araw nang hatulan ako ay inasahan kong bibisitahin ako ni Migs at ni... ni Migs lang

Ngunit hindi sya dumating. Kung bakit ay di ko na nalaman pa, dahil kahit sa sumunod na mga araw hanggang ngayon ay di pa rin pumupunta rito si Migs. Tanging si Atty. Garcia lamang ang nasilayan ko pagdating ko rito. Pinipilit niya akong umapela ngunit mariin ang pagtutol ko rito

Kung iyon ang paraan para matahimik na kaming pareho ni Bex, hahayaan ko na lang. Ibibigay ko na lang ang gusto nya.

Hindi ko alam kung may nararamdaman pa ba ako sa kaniya o ano. Ngunit,  hindi iyon ang pinakadahilan kung bakit ayaw ko nang umapela pa.

Kung patuloy kong lalabanan si Bex,  patuloy kaming magkikita at magkakasalamuha...

At ayoko nang mangyari pa iyon
Hindi ko na sya gustong makita
Bukod sa gusto ko nang kalimutan sya at magmove on, ayaw ko ring may mamuong galit sa akin sa tuwing maalala ko kung anong kahayupan ang ginawa niya sa akin sa tuwing makikita ko sya.

Iniiwasan kong kamuhian sya,  kahit pa nga sabihin nang iba na nararapat iyon sa kanya.

Napahinga ako ng malalim nang muli kong alalahanin ang nangyaring paglilitis

Flashback...

"Mr. Tan, Mr. Neo let's go." nakangiting tawag sa amin ni Atty. Garcia hudyat na oras na para sa paglilitis ng kaso ko

Agad rin naman kaming tumayo ni Migs at sumunod sa abogada papasok sa loob ng trial court

Naupo na ako sa silya na para sa defendant katabi si Atty.  Garcia.  Si Migs naman ay nasa defense side ng audience

Ilang sandali nang makaupo kami ay nakita na rin namin ang pagpasok ng prosecution panel at ni Bex na mag isang nakaupo sa pinakaharap na upuan ng prosecution panel

Nagtama pa ang paningin namin nang minsan syang lumingon sa gawi ko ngunit agad nya ring iniiwas iyon kaya naman hindi ko na lang din sya pinagtuunan ng pansin

Maya maya pa ay pumasok na ang tatlong taong pawang mga nakaitim na roba

Ang mga judge

Nadinig ko ang mahinang pagsinghap ni Atty. Garcia kaya napalingon ako sa kanya

Nakatingin sya sa mga judge,  at medyo nakaawang ang bibig.

"May... Problema po ba? " bulong ko rito

I See YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon