8

28 4 0
                                    

Bernice on media

Aishy POV

"Girl san ka ba galing? Iniwan mo ko kanina" bulong sa akin ni Bern nang makarating ako sa room namin

Nang iwanan ako kanina ni Tan ay hinayaan ko na lamang ito at nagdecide na pumunta na lamang sa susunod na klase

Bago ako dumiretso sa department namen ay dumaan muna ako sa canteen at bumili ng malalaman tiyan dahil nga hindi na ako nakakain pa kaninang break time

Bumili lamang ako ng mamon at c2 upang maari kong dalhin sa room dahil less than 15 mins na lang ang nalalabi at magsisimula na ang sunod kong klase

"ah, wala yun...May nakalimutan lang akong daanan na kanina ko pa dapat umaga dinaanan" pagsisinungaling ko...

Inilabas ko ang binili kong pagkain kanina at sinimulan itong kainin

"Pero girl, yun na nga about sa sinasabi ko kanina. Ikaw ba, naniniwala ka ba na kayang gawin yun ni Tan? With that innocent face? " patuloy sa chika nito

Nagkibit balikat lamang ako dahil ayoko na pag usapan ang bagay na iyon

Don't get involved

Paalala ko sa sarili ko ng tahimik

Marami pa syang dinadaldal ngunit tango at ngiti lang ang naisasagot ko rito dahil naging abala ako sa pagkain ko

Habang nginunguya ko ang mamon ko ay tila nagflashback ang mga nakita ko nung gabing inaresto si Tan

If there is one person who can prove his innocence, ako iyon. Pero paano ko tutulungan ang taong ayaw naman ng tulong ko?

Bahagya akong nafrustrate sa isiping iyon

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman kong ito

All I know is this feeling inside me right now is so strange

It's unknown to me

I don't know if I am sad or mad, or in between

I just don't understand myself

Wala namang mali or whatsoever sa sinabi niya pero it penetrates my mind. My heart

Wala namang mawawala sa akin kung hindi ko sya matulungan, ngunit may kontrabidang boses na tila nagsasabi sa akin na dapat ko syang tulungan

Kung bakit ay di ako sinasagot ng boses na iyon, bagkus ay nagdudulot ng pagbigat ng hininga ko ang bagay na yon sa tuwing naiisip ko ito

"huy gurl! Lutang ka diyan?" pagtapik sa akin ni Bern

Umiling ako at ngumiti na.lang dito dahil di ko rin talaga naiintindihan ang mga pinagsasabe nito

Inubos ko na ang natitira ko pang mamon at nilaklak na rin ang c2

"Ayyy, alam ko na yan... Namimiss mo si Wren noh?...asussss!" pang aasar nito

Napatingin ako sa babae

Doon ko lamang narealize na for a while, hindi si Wren ang iniisip ko

Hindi si Wren ang dahilan ng pagkatulala ko

Hindi si Wren ang dahilan ng mga kung anong pakiramdam na tila bago sa puso ko

For a while, nakalimutan kong kinalimutan niya na ako

Ngumiti ako sa isiping iyon, hindi ko alam kung para saan ang ngiti na iyon ngunit napangiti na lamang ako nang basta

"Baliw! Hindi noh" pagtaliwas ko rito dahil iyon ang totoo

I See YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon