7

23 4 0
                                    

Angelo on media

Aishy POV

Nakaawang pa rin ang panga ko sa nakita ko kanina sa labas. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ng Chairman ng UEnt dito, pero pinilit kong hindi na lamang silang pansinin

Hindi pwede malaman ni pokpokers na nakita ko sila baka ipasalvage niya ako!

Pero bakit kasama niya yung Chairman?

*Pak*

"Jeongshincharyeo!" hinampas ko ang magkabila kong pisnge gamit ang mga kamay ko.

Kung ano man ang dahilan na naroon silang dalawa ay di ko na dapat ungkatin pa.

Kahit pa nga malakas ang kutob ko na may maitim na dahilan kung bakit sila naroon

Pero paano kung may balak silang masama?
Paano kung binabalak nilang ipapatay si Tan, kagaya nung sa mga kdrama?

"Teka? Ano naman ang pakialam ko dun?" pangangausap ko sa sarili ko

Pinalis ko ang nasa isipan ko at gumawa na lamang ng pwedeng gawin sa unit ko

Habang naglilinis ako ay nagpatugtog rin ako gamit ang bluetooth speaker

I use the youtube to play music, I can't afford spotify and di ako marunong magdownload ng music kaya naman asa ako sa youtube

Namili lang ako ng suggested playlist ng youtube at nagpatuloy na

"Don't mess up my tempo... Na na na na na na na" pagsabay ko sa english line ng kanta ng Exo

Habang nagmomop ay may pasayaw sayaw pa ako...

Nilinis ko ang buong unit ko mula sa cr, sa lababo, yung mga tiles, yung sala ay inikot ko rin pati ang kwarto ko ay binago ko ang ayos. Nagpalit na rin ako ng mga kurtina, isang buwan na ata sila di ko pa napapalitan.

I know it's gross. Hehe

Tinuloy ko pa ang pagsayaw, pagkanta, at paglilinis

Kung hindi sound proof itong condo walls ko panigurado ay inireklamo na ko ng mga katabing unit

Natapos ang isang kanta at narinig ko pa ang commercial ng isang conditioner na agad ko rin iniskip

Hindi ko na napansin kung anong sunod na kanta dahil nagbuff ito ng bahagya kaya naman bumalik na ako sa ginagawa ko

Payapaya akong naglilinis hawak ang mop

Nang magsimula ang kanta ay ganun na lang ang naging paghigpit ng hawak ko sa handle ng mop

Akala ko hindi na darating ang panahon

"Hah" napasinghap ako

Ang kaninang payapang isip ko ay nabalot ng dilim

Naninigas ang panga ko at nagiinit nag gilid ng mata ko

I clenched my teeth while I am trying to contain myself

Bakit ka ba umiiyak?
Hindi mo naman dapat iyakan iyon
Ni hindi ka na nga niya kilala
Dahil ba ninakaw niya yung kanta mo?
Oo baka nga dahil dun

"Hah, sinong niloko mo self" ito na naman ako kinakausap ang sarili ko

Sa totoo lamang ay wala akong pakialam kung ninakaw nya ang kanta ko

The fact that I am willing to give the song to him if he wants to, yun yung masakit

The fact that I am willing to give him everything I have, kahit pa ganun yung trato niya saken, kahit pa kinalimutan niya na ako, yun ang masakit

I See YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon