22

5 1 0
                                    

Aishy POV

"Farrah, Aishy Therens. Cum Laude" banggit ng announcer nang ako na ang aakyat ng stage

Nakangiti akong nagmarcha paakyat ng stage upang tanggapin ang diploma ko at medalya.

Ngayon na ang araw ng pagtatapos ko sa kolehiyo. Lahat ng pinagpuyatan, pinagpaguran at iniyakan kong mga thesis, exams at kung ano pang schoolworks ay nagbunga na ngayon.

Napahinto pa ako ng bahagya bago tuluyang humakbang paakyat ng hagdan na may tatlong baitang patungo sa stage

Nakakalungkot man na wala akong magulang na makakasama para sabitan ako ng medalya, mas nananaig ang kasiyahan sa puso ko ngayon. Nagawa kong malagpasan ang isang kabanata sa buhay ko.

May mga mahirap na bahagi ngunit mas inaalala ko na lang ang mga masasaya. May mga taong nawala pero may nga tao rin namang mas nakilala ko pa. Ang mahalaga ngayon ay mas nakilala ko ang sarili ko ng kaunti.

Gayunpaman ay di pa rin malinaw sa isip ko kung anong propesyon ang gusto kong gawin.

" Wala ka bang kasama?" tanong ng unang dean na nakamayan ko

Nakangiti akong umiling dito

Ngunit di pa man ako nakakahakbang muli ay may naramdaman akong tumabi sa akin kaya naman napatingin ako kung sino iyon

"Doc Rence? " dinig kong anas ng una kong kinamayan

Ngumiti naman si Doc Rence dito, siya iyong gwapong doctor na nagbasa noon ng xray ni Ysh. Iyong naging sub professor kay Dra. Miñoza sa isa naming major subject

"Shall we go? Ms. Farrah? " nakangiting anyaya sa akin

Ngumiti naman ako rito. Hindi naman kami matagal na nagkausap pero tumayo siya ngayon bilang guardian ko at sinamahan ako sa stage

"Ahhhhh... Ang swerte naman niya"

"oo nga, si Doc Rence ang nagsbit sa kanya ng medal."

"napakabait talaga ni Doc Rence, noh? "

Dinig kong komento ng ilang estudyante na nasa gilid ng stage at naghihintay ng turn nila umakyat sa stage.

Hindi ko naging official professor si Doc Rence sa kahit anong subject pero lahat ng napagdaanan niyang mga estudyante ay nagkakagusto sa kanya at mas nagiging motivated pag nakatapos ng klase niya. Hindi ko man na-experience yun ng personal, ay masasabi kong magaling siyang guro, at the same time, doctor. Idagdag mo pa na may itsura rin talaga ang doctor na ito.

Kaya naman kahit hindi ko totoong mga kamag anak o magulang ang kasama ko rito, masaya ako.

"Congratulations, Ms. Farrah, I hope someday makapagdecide ka na kung tutuloy ka ba sa med school. If so, I'd gladly scout you" sabi pa ni Doc Rence bago isabit sa akin ang medalya sa gitna ng stage

Medyo iniyukod ko ang ulo ko upang maisuot ang medalya

"Salamat, Doc. Aishy na lang ho ang itawag nyo sa akin" tugon ko rito

Matapos noon ay muli akong humarap sa audience para mag bow at pag angat ko muli ng ulo ko ay napalunok ako

Mabuti na lamang at tinapik ako ni Doc Rence nhudyat na pumauna nang bumaba ng stage, kundi ay baka natulala ako sa gitna.

Tama ba iyong nakita ko?
Si Wren ba iyon?

Sa dulo ng stadium malapit sa pintuin ay may isang lalaking nakaitim na hoodie, naka itim na sumbrero at nakasalamin.
Kahit malayo siya, hindi ako pwedeng magkamali sa nakita ko. Si Wren ang isang iyon.

I See YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon