23 (Part 2)

7 1 0
                                    

K I N A B U K A S A N

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na umiyak ngunit nakatulog na ako sa sofang dati ko ring kinauupuan

Ramdam ko ang bigat ng talukap ng mga mata ko paggising pati na rin ang sakit ng ulo.

Marahan akong bumangon at inabot agad ang cellphone ko. Nagbabakasaling mayroong mensahe galing sa Constants.

Ngunit tila mali na hinawakan ko pa iyon dahil tanging mensahe ng mga producer ang naroon. Halos lahat sila ay sinasabing nagbaback out na sila sa pagiging sponsor dahil nga wala naman na ang Constants sa management ko.

Hanggang ngayon ay hindi nawawala sa isip ko ang katanungang bakit.

Ngunit mas pinili ko na lang na mag isip kung paano makakabangon
Halos lahat ng properties ko ay naibenta ko mabili lamang ang gusali at lupang kinatatayuan nitong agency ko, doon ko rin kinuha ang panggastos sa iba pang papeles at pangangailangan ng agency, ganun na rin ang ibinayad sa abogado para ilaban ang kontrata ng constants.

Kaya naman maliban sa gusaling ito, sa kotse ko at sa natitirang pera ko sa bangko, wala na akong iba pang ari arian.

Samakatuwid ay halos masimot ako dahil sa mga ipinaluwal kong pera. Kaya naman kailangan kong mabawi man lang ang lahat ng iyon. Sa kabila ng mga nangyari ay kailangan kong ituloy ang Coco Entertainment, kahit pa wala na ang Constants sa akin.

Marami pang ibang artista o gustong maging artista diyan. Hindi lang Constants ang may taglay na talento.

At napagdesisyunan kong simulan ang pagbangon sa paghahanap ng mga taong tulad ng nabanggit ko ngayon mismo.

Kaya naman dali dali akong naggayak upang simulan ang unang hakbang. Hindi ko na nakuha pang kumain dahil sa pagmamadali.

Sa pagkakatanda ko ay may magaganap na audition ngayon para sa reality show na "Inside The House". Isa itong show kung saan may dalawampung tao ang magsasama sama sa loob ng bahay. Isang daang araw ang ilalagi nila doon ng hindi lumalabas. Matira, matibay ang labanan. Boses ng publiko ang basehan

Batid kong napakaraming gustong sumali sa mga ganitong audition, at ngayon ay paparoon ako upang mag scout ng talents.

Bago pa man makarating sa venue ay itinext ko na ang isa sa mga staff doon na kakilala ko upang magpatulong na magkaroon ng access sa backstage

Nang makarating doon ay agad ko namang namataan ang kakilala ko na nakaabang na sa back entrance ng venue.

Ibinigay niya sa akin ang staff pass niya upang makapasok ako. Nagpasalamat pa ako rito bago tuluyang pumasok

Gaya nang inaasahan ay napakaraming aspiring artists ang naroon na naghihintay sa backstage. Nagsimula kong igala ang mata ko upang humanap ng pasok sa standards ko.

Parang giraffe na ako kakabanat ng leeg ko upang makita ang bawat itsura ng naroon

Ngunit nahihirapan akong pumili dahil walang itsurang angat na angat sa mga iyon. Puro pangkaraniwan ang kanilang mukha

Napabuntong hinga ko at di sinasadyang napalingon sa pasukan ng mga sumasalang sa audition nang madapuan ng mata ko ang isang lalaking tila katatapos lang magperform

Sa pakiwari ko ay hindi sya natanggp dahil na rin sa ekspresiyong nasa mukha niya

Agad kong nilapitan ang lalaki at doon napansin ang kakisigan nito. Matangkad ito at maganda ang built ng katawan.

"Excuse me. I'm Thereese Tuazon, a talent manager" kuha ko sa atensyon nito

"Ah... Hello po" nahihiyang tugon nito

I See YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon