23 (Part 1)

19 1 0
                                    

Reese POV

BIYERNES NG UMAGA

"Ms. Tuazon, nandito na ho iyong abogado ng nabangga ninyong sasakyan" napatingin ako sa pulis na tumawag sa akin

Ika-limang araw ko na rito sa presintong pinagdalhan sa akin. Ilang beses kasing naimbitahan muli ang lalaking driver na nakasagutan ko sa daan noong mga nakaraang araw para pumunta dito ngunit ilang beses ding idinahilan nito ang pagkaabala sa negosyo o kung anupaman. Inip na inip na ako at labis ang pagkabalisa dahil sa samu't saring balitang nadidinig ko sa telebisyon dito sa presinto.

Halos di na ko makatulog kakaisip kung paanong ang Constants ay nagrenew ng kontrata sa Universe Entertainment gayong sama sama naming ipinaglaban sa harap ng korte ang pagteterminate sa dati nilang contract. Sabay sabay kaming nagplano na itayo ang Coco Entertainment at sabay sabay nagdiwang ng maipanalo namin ang kaso.

Of all people, ang constants ang mga huling taong kilala ko ang makakapag-betray sa akin, iyon ang sa pakiwari ko ngunit bakit naging ganito?

Tumayo agad ako nang makita na ang abogado, at pinagbuksan naman ako ng pinto ng pulis.

"Ms. Tuazon? " baling sa akin ng abogado

Tumango ako rito

"I'm Atty. Valeza, representative of Mr. Santiago, the owner of the car you have bumped with last time. He couldn't come today due to a business meeting." pagpapakilala nito

"I see. Look, attorney I'll get this straight , I'm willing to pay whatever amount it is, or should I just cover the repair of the damage to his car. I just need to settle this issue as soon as I can. " alalang sambit ko rito

"Well, Ms. Tuazon, I bet that this is very fortunate for you, that my client agreed to settle. Actually, I have here the agreement contract wherein he stated his demands. You can read it first and ask me if some parts are not very clear to you" tugon nito sabay abot sa akin ng isang dokumentong nakalagay sa isang itim na parang folder.

Inabot ko ito at sinimulang basahin.

Napakunot ang noo ko ng mabasa ang tila labis na kahilingan ng lalaking iyon

"5 million pesos?!" asik ko sa abogado "Ay teka ho ano, willing ho ako makipag areglo sa kanya pero hindi ho ba sobra sobra naman ang laki ng halagang hinihingi niya para sa repair ng kaunting yupi sa kotse nya? " reklamo ko rito

Hindi naman sa wala akong pambayad sa ganoon pera ngunit masyadong malaki iyon para sa napakaliit ng yupi ng kotse nya kahit pa sabihing sports car yun.

Isa pa ay wala na ata sa pitong milyon ang laman ng mismong savings account ko dahil na rin sa mga inilabas kong pera para sa pagsisimula ng negosyo ko. At ngayong may problema pa ako sa Constants, paniguradong gagastos na naman ako ng malaking halaga para lamang mabawi sila

"Ms. Tuazon, my client's car is not just an ordinary car. It is a Ferrari 488 GTB. Of course, the repair would cost him quite a bit expensive." tila nagyayabang pang tono nito

"Well anyway, I quite understand if you do not have that much of money. But, I'm afraid if my client does because he firmly said that this agreement is a 'take it or leave it' opportunity" dagdag pa nito

Napaawang na lamang ang bibig ko dahil kung gaano kaarogante iyong kliyente nitong abogadong ito ay ganoong ganoon din umasta ang isang ito

"5 million it is" iyon lamang ang sinabi ko at pumirma na sa agreement. Labag man sa loob ngunit wala na akong choice. Kailangan ko nang makalabas sa lalong madaling panahon. Bawat minutong nasasayang ko dito ay lalo lamang akong nababalisa

I See YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon