3

33 4 0
                                    

Ps. May ilang kanta po na mababanggit sa story na hindi naman po talaga own composition
I just appreciated the message of that existing song, and related it to this story

So please bare with me :)

Ysh/ Tan on media
---------------------------------------

Aishy

August 7

Isang buwan

Isang buwan na rin pala magmula nung gumising ako para pumasok lamang, pero walang natututunan
Kumilos ng walang dahilan
Huminga ng walang katuturan
Mabuhay ng walang kasiyahan

Alam mo yung tumitibok naman yung puso ko, nagfufunction naman lahat ng body system ko

Pero feeling ko patay ako?

Walang pakiramdam, walang emosyon, wala nang ganang mabuhay

Isang buwan na akong mag-isa

Napangiti ako ng mapait pagkagising ko, 6am pa lang

Bumangon ako nang marahan, wala sa sariling tumungo sa kitchen nitong munti kong unit

At waring awtomatikong robot na nagluto ng agahan

Isang buwan na rin pala magmula nang maging independent ako
Oo INDEPENDENT

Kung dati ay di ako marunong magluto maliban sa mga pinprito ngayon ay natutunan ko na

Kung dati ay di ako marunong maglaba maliban sa underwear ko ngayon ay naaral ko na

Kung dati ay lagi akong may kasama ngayon ay nakasanayan ko nang mag isa

Isang buwan na rin pala... Congrats Aishy, kahit pano nakakasurvive ka pa pala

Sabi ko sa isip ko

Kasalukuyan akong naghahanda sa pagpasok ngayon, nakagayak na ako maaga pa lamang

Isa rin sa mga pagbabago sa buhay ko ay ang paggising ko ng mas maaga pa sa alas otso

Madalas ay nagigising na ako ng alas sais, kaya naman nakakapagluto pa ako ng disenteng almusal para sa sarili ko

Kung mas maaga naman akong nagigising ay sinasamahan ko na rin ng ehersisyo ang umaga ko

Masasabi kong mas naalagaan ko ang sarili ko ngayon

Congrats talaga Aishy

Alas nueve pa naman ang klase ko, at 7:30am pa lamang ng matapos ako sa lahat ng morning rituals ko

Kasalukuyan na akong nagbabalak na pumasok sa school

Nag aaral ako sa Malayan University, kilala itong eskwelahan ng mga anak mayaman

Mga anak ng mga successful businessmen ang nag aaral rito kaya naman yun ang specialty nila, business programs

However, kilala rin ito bilang school of technology, karamihan ng mga thesis ng mga estudyante rito ay nagiging bagong imbensyon na nagagamit ng school at ng community, ganun kagagaling ang mga estudyante

Mukhang perfect life noh? Mapapa sana all ka?

Pero ang totoo? Para sa mga estudyante rito, miserable ang buhay kolehiyo nila

Wala silang happy student life
Una dahil sa pressure sa pamilya nilang limpak limpak ang pera, na kalaunan ay mamanahin nila sa ayaw at sa gusto nila

Pangalawa sa expectations at standards ng mga profs na kasing galing sila ng mga parents nila
Pangatlo dahil quarter term ang curriculum dito sa MU, ibig sabihin imbis na 2 sems per year, sa amin ay nagiging apat. Ang inaaral nila ng 5-6 months ay aaralin namin sa loob ng 3 months.

I See YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon