29

5 1 0
                                    

Aishy POV

"Ok ka lang ba? " tanong ni Ysh sa akin

Hindi ko alam pang ilang beses nya na ako tinanong niyan

Naggrocery kami kasi naubusan na ng stock sa unit. At di sinasadyang nakita namin doon si Wren

Nakadisguise sya pero kabisadong kabisado ko ang hulma niya kaya nakilala ko pa rin sya

"Ok nga lang ako" muli kong sagot

Kase okay naman talaga ako

"ano... " sambit ni Ysh habang tulak tulak ang shopping cart na nasa kalahati na ang laman

"ano? " balik tanong ko sa kanya habang sinsabayan sya ng lakad

"May... Feelings ka pa ba sa kanya? " napahinto ako sa paglalakad dahil sa tanong na iyon

Tumingin ako kay Ysh
Ito ang unang beses na ako ang naghanap sa tingin niya

Nakakalunod pa rin ang kalaliman ng mata niya pero tila naeenjoy ko na ang pagtitig doon

"Romantic feelings? Wala na... Pero may part saken na humihiling na mabalik yung dati naming friendship " sabe ko at saka iniwas na ang tingin sa kanya habang nakangiti nang bahagya

At iyon ang totoo. Siguro nga tuluyan nang nabura ng nararamdaman ko para kay Ysh ang dating feelings ko para kay Wren

Hanggang sa natapos kami maggrocery,  hindi na muli namin napag usapan si Wren

Nagtatalo na lang kami sa brand ng mga bibilhing de lata at noodles

"Let's go, magbayad na tayo. Okay na yan for a month" sabi ko nang makakuha na ng mga shampoo at sabon which is last ko laging kinukuha tuwing maggrocery

Nagbigay naman ng share si Ysh sa abot ng makakaya nya, at kahit hindi pa yon abot sa kalahati ay ayos na iyon sa akin. Hindi ko naman sya inoobliga mag share

Hindi ko na nga dapat tatanggapin kaso lang naisip ko na it is his way to somehow protect his ego as a man

Hawak ko sa gilid ang cart at maglalakad na sana papunta sa cashier nang may pumigil doon

Napatingin ako sa lalaking nagtutulak ng cart dahil muntik n akong masubsob

"Bakit? May bibilhin ka pa ba? " tanong ko rito

"W-wala... P-pero kulang pa ito" sabi niya

"Huh? Kulang pa ba yang mga pagkain na nandyan para sayo? Ang takaw mo naman? " tanong ko muli

"H-hindi yon... Yung ano... Wala pa" tila nahihiya niyang sabi

"Yung ano? " kunot noo kong tanong sa kaniya

"Aaaahhmm... Yung sanitary napkins" iwas tingin niyangbsagot

Napaawang ang bibig ko at uminit ang mukha ko

Wtf?!

"N-nakita ko kasi sa cabinet sa cr, ubos na yung ganun mo... So yun" sambit niya muli

Hindi naman ako makatingin sa kanya sa pagkapahiya

Bakit alam nya ang mga bagay na ganun? !

"G-gusto mo,  ako na kumuha? Mauna ka na sa pila? " tanong pa nya na llong nagpainit ng mukha ko

Di ko alam anong itsura ko pero damang dama ko ang init sa mukha ko

"A-ako na! Ikaw na lang yung pumila" napalakas kong anas sa kanya at nagmmadaling pumunta sa section ng mga sanitary pads

Agad din naman akong bumalik matapos ko kumuha atbeksaktong si Ysh na ang susunod sa linya

I See YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon