15

15 2 0
                                    

Harith on media

Aishy POV

Mag-aalas tres na ng madaling araw, ngunit patulog pa lamang ako.

Sinubukan kong matulog kanina ngunit hindi ko magawa dahil ginugulo ng nararamdaman ko para kay Ysh ang utak ko

Ewan ko rin ba kung ano na nga ito.

Upang kahit paano ay mawala iyon sa akin ay minabuti ko na lamang tapusin ang kantang ginawa ko sa pamamagitan ng paggawa rin ng saliw at tono ng lirikong nagawa ko na.

Nang matapos ay minabuti ko munang umihi bago tuluyang matulog.

Pipikit pikit na ako nang makaupo ako sa trono

Napahikab pa ako habang umiihi, yaong matunog na hikab

Mahaba haba ang ihing iyon, kaya minabuti kong ipikit muna ang mga mata ko dahil inaantok na talaga ako.
Gayunpaman ay pinanatiling gising ang diwa

[Door opens]

Pupungay pungay pa ang mata ko nang napatingin ako sa bumukas na pintuan

Hindi ko iyon pinansin noong una at nakuha ko pang humikab muli

Muli ko pang binalingan nang tingin ang pintuan n aiyon at doon naaninag ko ang isang lalaking nakatayo roon habang hawak ang door knob

Pinasingkit ko pa ang mga mata ko upang makitang mabuti kung sino iyon

Nang mag sink in sa utak ko ang sitwasyon ay tila binuhusan ako ng malamig na tubig

"Waaaaahhhh! Hoy! Blockbuster ka dyan! Isarado mo yannnnnn!" sigaw ko rito habang itinutulak ang pintuan pasara

"S-sorry, h-hindi ko sinasadya" sambit nito

"Waaaahhh! Bakit kase di ka kumakatooookkkk! At talagang tinitigan mo pa yung di mo dapat makitaaaa! Waaahhh! Mommyyyyyy!" tila nababaliw na sigaw ko

"E-eh malay ko bang may tao eh nakasara ito at madaling araw pa lang" sagot pa nito

"Eh bakit hindi mo sinara agad! Nakita mo na ngang may tao eh! Huhuhu!" pagmamaktol ko

Narinig ko namang tumawa ito ng mahina

"Sabe ko naman sayo diba? Hindi ako inosente" nang aasar na aniya

"Bwiset ka! Bwiset ka! Bwiset ka!" sigaw ko

Nang makalabas ako ay kunot ang noo at nanlilisik na mata ang ibinungad ko sa kanya na ngayon ay umiinom ng kung ano na nasa tasa

Nang mamataan ay huminto sya sa pag inom at nilunok ang laman ng bibig

Kaswal itong nakatingin sa akin na para bang walang nangyari

"Good morning" sabi nito ng walang kaemosyon emosyon

"Good morning mo mukha mo! Matutulog pa lang ako!" sabi ko at saka padabog na pumasok sa kwarto ko at isinara rin iyon ng pabagsak

Sumampa na ako sa kama ko at humilata
Doon nadmaa ko ang pagkasaid na ng enerhiyang natitira sa katawan ko

Ilang sandali pa ay nakatulog na rin ako

[Alarm rings]

Nakapikit pa ang mata ko habang kinakapa ang cellphone ko na nag-iingay

Nang mapatay ang alarm ay saka ko marahang idinilat ang mata ko

Dama ko ang bigat ng pakiramdam at sakit ng ulo dala ng pagkapuyat

"Mmmhhh...." tila ungol ko habang nag iinat inat

I See YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon