30

4 1 0
                                    

Reese POV

Halos isang linggo na ang nakaraan ngunit tanging iyong gitarista at si Ysh pa lamang ang nakikita kong talents

Hanggang ngayon ay yamot na yamot ako sa sarili ko kung bakit ba ako sumang ayon sa gusto ni Ysh na bumuo ng banda

Ganunpaman, wala na akong magagawa dahil nakapagbitaw na ako nang salita

Ngayon ang takdang araw ng pagkikita naming tatlo. Nagpresenta na akong sumagot ng lunch namin, at para makamura ay sa twin cup na lang kami oorder, pero balak ko naman silang dalhin sa office.

Sa twin cup nagtatrabaho ngayon si Ysh kaya ayoko namang doon din mismo mag usap usap

Kararating ko lang sa twin cup at namataan ko na si Ysh na nagseserve sa mga customers pagkapasok ko pa lang

Nang mamataan niya ako ay agad siyang lumapit

"Tita Reese, malapit na po matapos shift ko. Nagpaalam na po akong maghalf day ngayon. Sandali na lang po" paalam nito

"Walang problema. Sige na, asikasuhin mo muna ang iba ninyong customers, wala pa rin naman yung gitarista" sabi ko lamang rito

Sumunod naman ito, at ako naman ay naghanap nang mauupuan

Minessage ko na rin ang gitaristang tinutukoy ko upang tanungin kung nasaan na sya.

Nagreply naman agad ito

"From: Tyrone (Guitarist)
"Nandito na po kami, Ma'am"

Maiksing tugon niya
Iginala ko ang paningin sa kabuuan ng twin cup upang hanapin siya

At namataan ko sya sa tabi ng entrance at kasalukuyang nasa labas pa

Agad akong tumayo at naglakad papalabas upang tawagin siya

"Tyrone? Tara doon muna tayo sa loob. Hintayin natin iyong vocalist" sabe ko rito

Tila nagulat pa sya ng bahagya nang sumulpot ako sa likod niya

Nauna na ako maglakad at naramdaman ko naman ang pagsunod niya.

Nang makarating sa kanina ring kinauupuan ko at naupo ay napaawang ang bibig ko

"A-ah.. S-sino yan? " nalilitong tanong ko kay Tyrone na nakatayo pa rin sa harap ko dala ang gitara niya sa likod at hawak ang kamay ng isang paslit

Napayuko naman ito at saka sumagot

"A-anak ko po, Ma'am... Pasensya na po sinama ko sya, wala ho kasi magbabantay sa kanya" nahihiya niyang tugon

Anak?!
Sa pakiwari ko ay nasa pito hanggang walong taon na itong batang lalaking ito. At sa tantiya ko ay wala pang bente singko itong si Tyrone

"T-teka--" naputol ako sa sasabihin nng biglang may tumawag sa akin

"Tita Reese! " si Ysh

As usual, neutral ang expression ng mukha niyang lumapit sa amin

Napakurap ako nang ilang beses

Batang ama ang gitaristang ito? Myghad! Pag nalaman ito ng mga tao sa future, malaking issue ito!

Napapikit ako bago ko sila hinarap muli

"F-for now, umorder tayo ng pagkain, tapos dadalhin ko kayo doon sa office" sabi ko sa kanila

"Ysh, ito ang pera pambili. Mauna na ako sa kotse. Pakitulungan na lang sya magbuhat, Tyrone" litong lito kong sabi

Ibinigay ko ang perang pambili kay Ysh upang mas mabilis at nauna na ako sa sasakyan

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 14, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I See YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon