24

5 1 0
                                    

Aishy POV

Ilang buwan makalipas ng huli naming pag uusap ni Ysh, kung tama ang bilang ko, ngayong araw mismo dapat sya lalabas.

Nagising ako ng alas singko ng umaga,  hindi ko alam kung bakit, pero nararamdaman ko ang katamtamang pananabik.

Kung katamtaman nga ba iyon

Naghanda ko ng agahan na para sa dalawang tao,  dahil inaasahan ko nga na pupunta si Ysh dito.

Magmula nung sinabi nya na ako ang una niyang pupuntahan pagkalabas niya, hindi na iyon nawala sa isip ko

Walang araw na dumaan na hindi ako napapangiti sa tuwing maalala ko iyon.

In love na nga ata ako

Sana naman this time, tama na itong nararamdaman ko. Sana tamang tao na ang pinili ng puso ko

Napangiti pa kong muli habang nagluluto. Makalipas pa nga ang ilang sandali ay inayos ko na ang hapag kainan. Nang matapos ay tinakpan ko muna ang mga pagkain at naghintay kay Ysh

Isang minuto...

Sampong minuto...

Tatlumpung minuto...

Isang oras...

Napahinga ako ng malalim dahil wala pa ring dumadating na Ysh

Napagdesisyunan ko na lamang na kumain na lamang mag isa.

Inisip ko na lamang na wala rin namang tiyak na oras na binanggit si Ysh kung kailan sya lalabas eksakto.

Baka mamayang tanghali pa sya nakatakdang lumabas.

Matapos kumain ay niligpit ko na ring agad ang kinainan

At saka nagcellphone na lang

Habang nagsscroll ako sa facebook ay biglang may nagmessage na hindi ko friend sa fb

Nagtaka naman ako dahil wala naman akong kilalang maaring magsend sa akin ng message.

Tinignan ko kung sino iyon

Marcis Thorn

Si Kuya Thorn? Bahagya akong nabigla dahil sa pagkakaalam ko ay hindi pinapayagan ni Lolo na magkaroon ng kahit anong social media ang sino mang miyembro ng pamilya

Bukod sa laganap ang fake news,  nais daw kasi ni Lolo na ang mga impormasyong makalap namin ay galing sa sarili naming pag iimbestiga.

Binuksan ko na ang mensahe at binasa

From: Marcis Thorn
"I'm not into soc med, but since you're not contacting me, I am forced to make one"

Iyon ang laman ng mensahe
Napakunot naman ang noo ko dahil para bagang inobliga ko naman siyang gumawa ng social media account nya

Nireplyan ko iyon nang may tila nagtataray na ekspresyon

To:Marcis Thorn
"Did I even tell you to make one? At wala kong kinalaman kapag nahuli ka ni Lolo"

Lumipat ako sa ibang chat box ng mga gc upang magbasa ng mga katest messages. Kahit nakagraduate na ang iba ay madalas pa ring mag usap usap ang klase namin. Eh paano ba naman kalahati lang naman ng klase namin ang nakagraduate kamakailan,  and iba ay bumagsak sa thesis nila kaya kailangan nilang maglagi pa ng isang term.

Mabuti na lamang at nagrupo ako sa matatalino at matitinong estudyante.

Isang buwan na ang nakalipas magmula nang graduation ngunit hindi pa rin ako nakakapagdesisyon kung tutuloy ako sa med school o maghahanap na lamang ng trabaho

I See YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon