Chapter 32

472 13 3
                                    

Chapter 32

“Pich, kain na”, kinatok ako ni Kuya Pancho sa kwarto kaya nagising ako.

Wala akong trabaho sa ngayon at may mga tsismis na rin tungkol sa paghihiwalay namin ni Theo. Minabuti kong huwag na lang magbigay ng statement at si Tita Jen na raw ang bahala ‘ron. Hindi ko pa yata kayang humarap sa mga tao ngayon.

Mainit ang mata ng publiko sa akin – sa amin. Mayroong mga rumors din na kumakalat na nagli-link kay Theo at Helena Tan. Hindi ko alam kung totoo ba pero kung totoo man, ibig sabihin lang ‘non ay ginawa ni Theo kung ano ang tama at dapat.

“Sorry, hindi na ako nakatulong sa paghahain man lang. I feel exhausted”, sambit ko at ngumiti lang si Kuya.

Napapagod ako kahit wala akong ginagawa. Hindi ko maintindihan pero parang gusto ko na lang i-shut down ang isip ko dahil ‘yon talaga ang nagpapapagod sa akin.

“It’s fine. Sweldo ko bukas. Gusto mo lumabas tayo o kaya magbakasyon kahit hanggang weekend lang?”, yaya niya sa akin.

“Huwag mo nang galawin ang sweldo mo. Hindi mo na nga ako pinapahati sa gastos mo rito”, sambit ko at tsaka sumandok na ng pagkain ko.

“Hindi naman kasi kita inoobliga na gumastos. You’re free to stay here and use anything inside my unit”, saad niya.

“Kahit na. At least let me buy our groceries”, pagpupumilit ko kaya napasuko na rin siya.

“Fine. But do you want to go out of town with me? I’m free this weekend”, sambit niya at nagkasundo kaming dalawa na umalis.

Ganoon lagi ang ginagawa ni Kuya. Humahati na lang ako sa expenses dahil nahihiya ako sa kanya. I really appreciate that he’s doing everything he can to divert my attention. Alam din siguro niya na matunog sa media ang issue ng mga Tan at Deltrazo.

Iniiwasan kong manood ng balita pero kapag naman nasa kama na ako, hindi ko maiwasang hindi tingnan kung kumusta na ba ang sitwasyon sa Deltrazo Holdings. Hindi pa rin sila nakakabawi hanggang ngayon kaya lalo akong nag-aalala.

Linggo linggo yata ay umaalis kami ni Kuya Pancho. Kung saan saan kami nagpupunta at hindi naman ako nagrereklamo dahil pakiramdam ko kailangan niya rin ‘yon. Parehong nasasaktan ang puso naming dalawa ngayon kaya pumapayag na lang ako sa tuwing niyayaya niya akong umalis kami.

“How was work?”, I asked him.

Kasalukuyan kaming kumakain sa bistro ng isang beach resort kung saan kami nagpunta ni Kuya. Sa dalas naming lumabas magkapatid, napagkamalan pa ang Kuya ko na bago kong boyfriend. Nagkaroon na tuloy ng article sa Internet tungkol sa Kuya ko dahil gwapo naman talaga si Kuya Pancho.

Nagrereklamo nga sa akin si Kuya dahil nagme-message sa kanya ang ilan sa mga fans ko. Dumami rin daw ang followers niya sa social media accounts niya.

Sa tingin naman ni Tita Jen ay okay ‘yun para malipat ang atensyon ng mga tao kay Kuya Pancho at hindi na pag-usapan pa ang tungkol sa amin ni Theo.

“Ayos lang. Malapit na akong magreview para sa boards. Ilang buwan na lang ay magdadalawang taon na ako sa Trazo Real kaya mapapasa ko na ang requirements ko”, sambit niya at tsaka tumayo para tanggapin ang panulak naming dalawa. We both ordered beer.

“Pwede po bang magpa-picture?”, tanong noong waiter na nagdala ng inumin naming dalawa.

“Sure”, saad ko at tumayo para magpakuha ng litrato sa kanya. Sumunod din ang ilang tao mula sa ilang table kaya halos kalahati na ang nachos ni Kuya Pancho samantalang ang sa akin ay halos wala pang bawas.

Lose to Win (Trazo Real Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon