Chapter 38

500 12 1
                                    

Chapter 38

Nang uminit ay sumilong muna kami sa may puno ng mangga kung saan may nakasabit na duyan. Hindi kami kasyang dalawa roon kaya kumuha siya ng silya para sa may gilid ko pa rin siya.

"Ayaw mo pa ulit maligo sa dagat?", tanong niya.

"Mamaya na siguro ulit kapag hindi na masyadong tirik ang araw", sagot ko at tsaka kinuha ang phone ko para tingnan ang mga nakuhang litrato.

"Okay, ako rin", paggaya niya at tumango na lamang ako.

"Wala kang trabaho?", pag-iiba ko ng usapan.

I am just curious about his schedule because he knows mine but I don't know his. Wala akong trabaho na masasagasaan dahil libre naman na ako sa mga susunod na araw. Ang sunod kong commitment ay ang showing ng MMFF entry ko at ang award's night kung sakaling mapasali ako sa mga nominado.

"Mayroon pero si Naxus na ang bahala roon. I'm taking a vacation", sambit niya kaya pinukol ko siya ng masamang tingin.

"May trabaho ka pala, dapat inuna mo 'yon. I'm sure Naxus was pissed at you or something", saad ko at tumawa lamang siya.

"Hindi naman. He'll just have to check on the site and review some papers. Busy rin kasi si Kuya sa paglalandi kaya wala akong mapasahan", pagpapaliwanag niya pa.

"At ikaw, ano namang excuse mo to take a vacation?"

"Magpapahinga", saad niya at napairap ako.

"You're not resting, though. But if that's what you want, ikaw ang bahala. Binayaran mo naman ang lahat ng ito", saad ko.

Nagsuot ako ng sunglasses dahil nasisilaw ang mata ko sa araw. Agad naman niyang kinuha ang phone niya para kuhaan ako ng mga litrato. We ended up taking photos again and I admit, Theo is really good at taking pictures.

Para ngang kahit ano ay kaya niyang gawin. I remember him teaching me in my accounting subject in senior high school. He's a STEM graduate but he knows it because of his Mom, who's an accountancy graduate, who taught him and Xythos about the basics during their summer vacations.

Kumain din kami saglit at nang medyo bumaba na ang araw ay pareho kaming naligo sa dagat. Dinadala niya ako sa may bandang malalim at sabay kaming maglalangoy para magpaunahan sa pagkuha ng mga seashells.

Palakihan kami ng mga makukuha at pagkatapos ay ibabalik din naman namin sa ilalim. Nagpaunahan din kami sa paglangoy at kung anu-ano pang mga laro ang naisip niyang gawin. He kept me entertained until I felt tired and decided to go back to the sands.

Naghukay ako roon at sinubukang bumuo ng sand castle. Nagtungo siya sa likod ko at akala ko ay gagawa rin siya ng sa kanya. Naramdaman ko na lang na nakayakap na ang kamay niya sa tiyan ko at nakakulong na ako sa pagitan ng mga hita niya.

"Theo, ang bigat mo", saad ko dahil nakapatong pa ang ulo niya sa balikat ko.

"Magpapahinga lang, sungit naman nito. Napagod kaya akong makipag-racing sa'yo", katwiran niya pa at mas siniksik ang ulo niya sa balikat ko.

I rolled my eyes after hearing his reason. Siya naman itong nagsuggest na magracing kami sa paglangoy.

"May duyan naman doon. You can rest or even sleep there. I'll wake you up kung babalik na ako", saad ko.

"Ikaw ang pahinga ko", saad niya at hindi na ako nakahanap pa ng maisasagot doon.

"Three years... I've been working my ass off for three years. At wala akong pahinga. Kaya pagbigyan mo na ako"

"Hindi ka ba nagbabakasyon dati?", tanong ko at inilalayo ang topic sa akin bilang pahinga niya.

"Gusto ko lang na makatulong kina Papa at Kuya noong bumagsak kami kaya roon ko tinuon ang atensyon ko at hindi masyadong nakakapagbakasyon o pahinga. I had to pretend that I am having a good friendship with Helena Tan, too. Hindi natuwa sina Papa sa ginawa ko pero galit ako 'non. Galit na galit ako 'non sa pang-iipit nila sa pamilya namin, sa atin, kaya hindi ako tumigil", huminga siya nang malalim bago nagpatuloy.

Lose to Win (Trazo Real Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon