Chapter 39

565 15 2
                                    

Chapter 39

"Hindi ka ba uuwi? Anong oras na...", tanong niya sa akin habang pareho kaming nakaupo.

"Maybe I'll just check in a nearby hotel. Ikaw, hindi ka uuwi?", I asked him back.

"Ihahatid sana kita pauwi", sagot niya sa akin.

Nasa hindi kalayuang upuan si Mommy ngayon at pakiramdam ko ay nakikinig lang siya sa amin ni Theo. I don't like that she's eavesdropping. Paano kung isipin ng Mommy ko na nagkaayos na pala kami ni Theo dahil sa pakikitungo namin sa isa't-isa ngayon?

Kahit na anong mangyari, hinding hindi ko hahayaan na matupad ang gusto nila ni Dad para sa akin. I will never use Theo. Never.

"Pwede naman din akong umuwi kaya lang hindi pa kasi kami okay ni Kuya Pancho kaya magpapalipas muna ako ng gabi sa hotel"

"Was it because of... this?", he asked pertaining to Dad's condition. I nodded and sighed.

"Do you want me to talk to him?", presenta niya kaya napaisip din ako.

Ngunit umiling din ako pagkatapos nang maisip na hindi ko na dapat pang isali si Theo rito. Hindi siya dapat madawit sa kahit anong issue sa pamilya ko at lalo na't kaibigan siya ni Kuya Pancho.

"Hindi na. I think it's best if we settle it by ourselves but thank you, though", I said.

"Bibisita 'yon dito. Hindi pa lang siguro ngayon dahil baka nabigla ang Kuya mo. Alam din naman niya sa sarili niya na hindi niya kayang kontrolin ang emosyon niya. So coming here not calming himself first is risky... given that he had issues with your parents, Clara"

"I know. I just thought that maybe he could swallow his pride for a while. Hindi naman niya kailangang makipagayos kay Mommy at kay Daddy"

"Your parents are the reason why he and Liannon called it quits", he revealed to me.

Sa gulat ko ay nalingunan ko si Mommy na mukhang hindi na nakikinig sa usapan namin ni Theo. She's using her phone, texting someone, I think.

"May ginawa ba sila kay Lia?", nag-aalala kong tanong.

Kung dumoble ang galit ni Kuya Pancho kay Mom at Dad, siguradong may ginawa sila na lalong hindi kinatuwa ng kapatid ko kaya halos isumpa niya ang mga ito.

"Not my story to tell, Clara. I am not taking sides here but maybe you should also try to see where your brother stands in this situation. Hindi bato ang puso ng kapatid mo... he's too emotional to face your Mom right now. And if he really can't face them yet, we'll have to respect that. Lia was his peace, his life. Imagine taking away your peace and life from you. That's how he feels, Clara"

Sa hotel ako natulog at sa hindi malamang dahilan ay nagcheck-in na rin si Theo. Hindi na lang ako nagtanong pa dahil pagod na ako kakaisip at baka rin pagod na sa pagdadrive si Theo kaya hindi na siya umuwi pa sa kanila.

I checked my schedule for tomorrow. Wala ulit akong gagawin kaya naman makakapagpahinga ako. Naisip ko rin na bumalik bukas sa ospital para macheck ang lagay ni Daddy. I texted my brother but he's not replying. He's probably drunk right now. Ang inaalala ko nga lang ngayon ay kung sino ang kasama niya.

Theo Nathaniel R. Deltrazo <deltrazotn@deltrazoholdings.com>

Are you okay? We can drink coffee outside if you want...

Clara Del Rio <claradelrio@gmail.com>

People might see us.

Theo Nathaniel R. Deltrazo <deltrazotn@deltrazoholdings.com>

Lose to Win (Trazo Real Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon