Chapter 37

540 14 1
                                    

Chapter 37

"Hindi ko kaya kung hindi rin naman ikaw"

Nag-iwas agad ako ng tingin at sinimulang kumain. Pinilit ko ring ikunot ang noo ko para ipakita sa kanya na wala namang epekto sa akin ang mga sinasabi niya kahit ang totoo, naguguluhan na ako.

"Let's just eat, Theo. Pagkatapos nito ay bayad na ang utang mo sa akin"

"Huh? Sa kubo pa lang ito. Mayroon pa akong utang sa'yo na fee sa guide", pagpipilit niya kaya napairap ako.

"Okay. At ang utang ko sa'yo ay ang gas at ang dinner natin sa Palawan, tama ba?", paglilinaw ko para sigurado nang hindi na madadagdagan ang mga utang namin sa isa't-isa.

"Hindi pa. Hinatid ko kayo pauwi kaya may gas din at – "

"Akala ko ba nagmamagandang loob ka 'non?", I fought back and now he rolled his eyes. "Did you just roll your eyes on me?", pikon kong sabi sa kanya.

"Fine, fine. Just pay for the gas and dinner. Magkahiwalay 'yong dalawa, ha?", saad niya at tumango na lamang ako.

"Paano ko babayaran? Cash?", I said and he raised a brow at me.

"Ayaw ko ng cash. Pag-iisipan ko muna tapos tsaka ko na lang sasabihin sa'yo", ngumisi siya at kumain na.

Tahimik ulit at nahuhuli ko na naman siyang tumitingin sa akin. Na-serve na ang main course at 'yon ang sinisimulan kong bawasan na. Hindi ko talaga alam kung anong mayroon sa mukha ko at lagi niya 'yong tinititigan.

Hindi naman na bago ang mukha ko sa kanya dahil sigurado akong lagi naman niya 'yong makikita sa TV. Kung hindi man sa TV, makikita niya ang mukha kong ito sa mga billboards at magazines.

Kung tingnan niya ako, para siyang namamangha sa hitsura ko.

"Ang ganda mo", he whispered and that made me stop from slicing the meat on my plate.

"I know", I said casually and he chuckled.

"Clara...", tawag niya sa pangalan ko.

I faced him and gave him a questioning look. And now that I get to look at him longer, I realized, he really matured. He had a broader expanse and that's more noticeable now with his white dress shirt. I also noticed that he styled his hair this time and he's still wearing the necklace that had his ring as its chain.

"Kumusta ka na?", he asked again.

Three words. It took him three words to stir my archived feelings. I can't even remember the last time a person asked me how I am, not for the sake of giving a courteous greeting but to genuinely ask me how I am.

"Bakit mo tinatanong? Hindi mo ba alam ang mga nangyayari sa buhay ko?", balik ko sa kanya, pinipilit ang sarili na maging matigas kahit pakiramdam ko'y isang danggi lang sa akin ay matutumba ako mula sa silyang ito.

"Alam ko. Pero hindi ko alam kung okay ka. Hindi ko alam kung masaya ka ba, malungkot ka ba, dahil madali lang naman na pekein ang emosyon 'di ba?", saad niya at napahinga ako nang malalim.

"Okay lang ako. Bakit mo natanong 'yan? Was it because of the rumors about me?"

"Marami ang mga 'yon...", sambit niya.

Noong nabalita na naghiwalay kami ni Theo, maraming mga tsismis tungkol sa akin. May mga nagsasabi na si Theo raw ang nakipaghiwalay dahil nalamang pineperahan ko lang siya at ang pamilya niya. Mayroon ding nagdidiin na nanlalake ako at naka-blind item pa kung sino ang third party.

There were rumors also in the past years that I am cohabitating with Justin. Mayroon pa na may minaltrato raw ako na staff. At ang pinakahuli, ako raw ang dahilan ng breakup nina Yael at Andrea, si Yael ang pinakahuli kong nakatrabahong leading man para sa isang TV series.

Lose to Win (Trazo Real Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon