Chapter 43

612 14 2
                                    

Chapter 43

"Bahala ka", pagsuko ko at uminom muli.

Gumuhit ang init sa lalamunan ko. Hindi naman ganito kahina ang alcohol tolerance ko dati pero marahil dahil madalang na akong uminom, ay humihina na ito ngayon.

"Do you still think I slept with Jane in my unit? Because that's bullshit", malutong niyang sabi.

"What do you expect me to think? Ganoon ang suot niyong dalawa kaya sa tingin mo ba ay iisipin kong nag-bible study lang kayo?", irita kong sagot.

"Caleb, somehow, forgot to lock my door when he left my unit. Pinahanap ko sa kanya ang wallet ko dahil baka nahulog sa kotse ko o kaya sa lobby kagabi. Hindi niya nai-lock ang pinto kaya nakapasok si Jane. Iyong sinasabi ni Jane na mahigpit ang hawak ko sa kanya, 'yon ay dahil kinakaladkad ko siya palabas ng unit ko"

At tsaka ko lang tuluyang naalala ang sinasabi sa akin ni Caleb noong nagkasalubong kami sa may hallway.

"Hindi mo pa rin sinabi sa akin na magkatabi lang kayo ng unit ni Jane!", singhal ko sa kanya. Ramdam ko na ang init ng mukha ko kahit nakakailang shot pa lang ako.

Kung alam ko lang na susunod si Theo sa akin dito, 'e di sana 'yung pinili kong inumin ay 'yung hindi kaagad ako malalasing!

"Because she's not my neighbor! That's his brother's unit and she sometimes sleeps there; I think. Hindi ko naman akalain na gagawin niya 'yon. Ang kapatid niya ang acquaintance ko dahil sa trabaho"

"Bakit mo ba ginagawan ng pabor ang kapatid ni Jane? Ano ka ba niya, ha? Sobrang bait mo naman yata para gawan sila ng pabor", pag-irap kong muli sa kanya.

I know that he is kind and generous. But I didn't expect his kindness and generosity to be at this level!

"Dahil alam kong makakasama ka ni Jane sa trabaho", panimula niya, "I seized the opportunity to see you by driving Jane to work. Nasiraan ng kotse si Jane at pabirong nakiusap ang kapatid nito na kung pwedeng ako na lang muna ang maghatid. Tinanggap ko para makita kita"

My eyes widened. Nanggamit na naman siya ng tao!

"User!", I said and drank one more shot.

"Para sa'yo, yes, I am that desperate", sambit niya at siya naman ang uminom.

"Bakit hindi mo rin 'yan sinabi sa akin? Malay ko ba kung gawa gawa mo lang ulit 'yan para utuin ako", ngumuso ako, ramdam na ang init ng mukha at bigat ng talukap ng mga mata.

"Tss. That would make me look really bad but like I have a choice now? I'd rather be the bad guy than lose you", inagaw nito ang shot glass sa akin at siya ang uminom 'non.

"Akin 'yan!", agaw ko ngunit nalagok na niya ang laman 'non.

Sinamaan ko siya ng tingin at umirap nang magtagpo ang mata namin.

"Do you still have questions? May kailangan pa ba akong ipaliwanag sa'yo para hindi mo na ako pagdudahan at payagan mo na ulit na manligaw?", sambit niya.

"Basted ka naman na...", mahina kong sagot at tumungo.

I played with my fingers. Umisod siya hanggang sa magdikit kaming dalawa. Nasa kaliwang binti ang slit ng gown ko kaya nang umisod siya sa gawi ko ay tumama ang slacks niya sa kaliwang binti ko. Agad ko 'yon iniwas ngunit umisod ulit siya hanggang sa mapunta na ako sa pinakadulo ng sofa, wala nang maiisuran.

"Bakit mo nga ba ako binasted? Dahil ba talagang hindi mo ako mahal?", he lifted my chin up and was only satisfied after our eyes met.

Hindi ako nakasagot at lumunok na lamang. Sinubukan kong kumapa ng shot glass pero pinigilan na ng kamay niya ang kamay ko sa pagkuha pa ng inumin. Damn him!

Lose to Win (Trazo Real Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon