Chapter 21

502 14 1
                                    

Chapter 21

"May split ends ka, babe", puna ni Theo habang sinusuklayan ang buhok ko.

He visited me today, Sunday, because it is his day off. After getting his license, he began his work in Trazo Real and he became a bit busy but it was fine with me.

"I always get my hair curled or ironed. What do you expect?", I rolled my eyes on him and he chuckled.

"Wala ka na bang time pumuntang hair salon? I can trim the ends if you want", he suggested and I immediately stood up.

"Don't you dare! Puhanan ko itong buhok ko. Mamaya hindi pa pantay ang gupit mo", I grabbed the comb out of his hand and decided to comb my hair.

Mamaya, ang inaakala kong suklay na nasa kamay niya, gunting na pala.

He let out a bark of laughter and stood up to. Kinuha niya ang suklay sa kamay ko to get my attention and made me face him.

"Pantay ako maggupit, promise. Sige na. Ayaw mo 'non, libre gupit ka? Ang gwapo ng hairdresser mo", lambing niya sa akin pero umiling pa rin ako.

"Oh gosh! Babe, kahit pa pantay ka gumupit ng papel o kung anu-ano pang pinapantay niyo, iba itong buhok ko. This is my hair"

"Come on. Trust me", he winked.

Hindi ko alam kung paano ako napapayag ni Theo. I just found myself sitting infront of my vanity, covered with a piece of cloth. He looked really excited to trim my hair.

"Stop grinning. Kinakabahan ako sa'yo", puna ko at tumawa pa siya.

"Akong bahala. Ilang inches ba?", tanong niya pa like an expert.

"Three inches lang", saad ko.

"Alright, baby. Three inches"

It took him only a few minutes to trim the ends of my hair. Sinuri ko nang mabuti kung pantay nga ba ang gupit niya sa buhok ko. I had him took a photo of my hair to make sure that it was well-cut. Nag zoom in at zoom out pa ako nang ilang beses sa photo dahil pantay ang gupit niya.

"Ano, ayos ba?", proud niyang tanong habang nakakrus ang dalawang braso sa gilid ko.

"Well, it looks decent", nguso ko dahil kapag inamin ko naman na maayos ang gupit niya for sure magyayabang lang siya sa akin.

"Decent, my ass. Paano, ako na laging magti-trim ng buhok mo ha?", he smiled like a kid to me.

"Oo na", I rolled my eyes but ended up smiling at him.

That same day, he helped me with my schoolwork. Na-process naman na ang paglipat ko sa isang online program ng isang international school. I processed it right away so it will be less hassle for me. Right now, all I need to do is finish and pass all my requirements para makumpleto na ang grades ko.

"I seriously don't get the purpose of these minor subjects", reklamo ko habang tinititigan ang powerpoint slide kung saan naroon ang instructions para sa final output namin.

"You mean, gen ed courses?", tanong niya at sumampa na rin sa kama sa likod ko.

"Oo. Like, anong connection nito sa inaaral ko?", nakabusangot kong saad.

"Well, don't you see that most gen ed courses are more related to real-life practices and more on the application of those learning to the society?"

"And so?"

"Ibig sabihin lang 'non, pinapaalala sa atin ng course subjects na 'to na above getting that degree and being a professional, tao pa rin tayo. We are still part of the society. Even after earning money or getting whatever title we want, we are still humans. You get it, prettyhead?", siniksik niya ang ulo niya sa ibabaw ng balikat ko at mahigpit na yumakap sa akin mula sa likod.

Lose to Win (Trazo Real Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon