Chapter 44

685 12 2
                                    

Chapter 44

"Can you pinch me?", hindi makapaniwala sa narinig si Theo.

I laughed and wiped my tears before pinching his cheeks. I smiled at him and he did the same to me, too.

"Totoo 'to. Mahal kita, Theo."

"Mahal din kita", sagot niya sa akin bago hinagkan ang noo ko.

Ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib niya pagkatapos niya akong halikan. Hindi dahil sa hiya kung hindi dahil pakiramdam ko ay sasabog ako sa sobrang emosyon na nararamdaman. Ang tagal kong itinago 'to. Ang tagal kong pinagdamot sa kanya ang nararamdaman ko dahil sa takot at dahil iniingatan ko rin ang puso ko.

Akala ko maayos na ako na wala si Theo. Hindi ko itatanggi na nakaya ko namang mamuhay kahit na wala akong boyfriend o fiancé na Theo. Marahil dahil dumating na ako sa puntong tinanggap ko na lang na hindi talaga siya para sa akin. Tinanggap ko na lang na hindi ako nababagay sa kanya.

"Bakit ka nagtatago riyan?", tanong niya ngunit umiling lamang ako. I heard him chuckle and then he caressed my back.

I have come to the point where I've already accepted that he is just a passing moment in my life. Na dapat ipagpasalamat ko na lang na dumating pa rin siya sa buhay ko kahit na hindi kami para sa isa't-isa. I held onto those thoughts and they were what made me go on with life without Theo.

Ngunit alam ko rin na kahit kaya kong walang Theo sa buhay ko, hindi ibig sabihin 'non na masaya ako. My friends were there for me, my brother and sister were also there for me. I survived. Sila ang nagpasaya sa akin pero alam kong may kulang.

Alam kong kahit na anong saya ko sa trabaho at sa mga taong natira sa buhay ko, mayroon at mayroong lugar sa puso ko na isang tao lang ang makakapagbigay buhay at ligaya.

"I love you, Clara", he whispered and slowly held my chin up.

Nagtama ang mga tingin namin at punong puno ng lambot ang mga mata niya. Kahit alam kong masakit ang gilid ng labi niya, hindi 'non napigilan ang patuloy niyang pagngiti sa akin.

"Babawi ako sa'yo. Pangako ko 'yan", sambit niyang muli habang marahang hawak ng kanyang kanang kamay ang baba ko.

Umiling ako sa kanya.

"Ako ang babawi. I will make up for the lost years. Patawarin mo ako sa pagtulak ko sa'yo palayo. I am sorry for the harsh words, for making you feel that I don't love you, and for always doubting you. I am sorry", I let my heart out to apologize for everything I did.

His thumb touched my lips, making me stop from uttering more apologies. He shushed me while he continuously caressed my lower lip using his right thumb.

"Pareho naman tayong may mga maling nagawa kaya patas lang. We have all the coming days and years for us to be better and to make up for our shortcomings. So, let me properly ask you this time, Clara. Will you be my girlfriend?", he asked.

I immediately pulled his nape towards mine and claimed his lips. He was shocked for a second but he responded, slowly, with my kiss. Our lips were moving with care, full of passion, and longing.

"Yes", I said after I gasped for air.

His nose's tip touched mine. He planted a kiss on it before scooping me and walking us inside his room.

He put me on top of his drawer. May mga nalaglag na ballpen sa ibabaw ng kanyang mesa nang matamaan ng binti ko ang pen holder. I shrieked but he just laughed at me and locked his lips on mine again. I moved backward until my back touched his sliding window.

May mga nalaglag pa na mga gamit sa kanyang mesa ngunit hindi na niya 'yon inintindi pa. He was busy kissing me and I was also busy responding to him. He lips traced my jaw and went down to my neck. Itiningala ko pa ang ulo ko habang ang kaliwang kamay ay nakapatong sa mesa para sa suporta at ang kanang kamay naman ay nakakawit sa kanyang leeg.

Lose to Win (Trazo Real Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon