Chapter 10
Hindi ko kaklase sina Shawn, Nicole, at Jane ngayong taon. Magkasama si Nicole at Jane sa iisang section, at kami ni Shawn ay nahiwalay pa. I was having a hard time trying to at least make new friends with my new classmates. The girls aren't that friendly this time so maybe I'd try again next time.
I am contented with my friends now but I know that I need to at least be in good terms with my new classmates because we'll have to do group PETAs at some point.
"Bakit ang dami naman nito?", iritang-irita ako habang tinitingnan ang mga reading materials na dapat kong basahin para sa 21st Century Literature.
Inisa-isa ko pang tingnan ang mga kopya at mabuti sana kung kaunti lang bawat babasahin. Makakapal na nga, marami pa!
"Ganyan din sa amin. Swerte mo nga at prof mo si Sir Jose dahil masipag magturo 'yon. 'E sa amin, baks, nakakaantok na nga, hindi pa magaling magturo", reklamo ni Shawn.
"Sino ba ang prof niyo?", I asked while sipping on my iced tea.
"Si Ma'am Pascua", saad niya at napatango na lang ako.
Balita ko nga rin, nagpapabasa lang 'yon at puro attendance lang ang ginagawa sa klase.
Theo is also busy with school but he sees to it that he can still eat dinner with me. There are also times that he'd offer to help me in some subjects in school.
"May oras ka pa ba para mag-aral? Graduating ka na, right? You should focus more on your studies", I said while watching him check my answers.
He offered to review me in FABM 2. He's not an ABM student during senior high school but he told me that during school breaks, Tita Regina would teach him and Xythos about business. Their mom is a CPA and also holds an MBA that's why they know business even if they're taking engineering.
"I can do both", he said, still focused on checking my paper.
"Both?", I asked.
"Oo. Kaya ko naman pagsabayin ang landiin ka at ang mag-aral", he said and laughed.
"Nilalandi mo pala ako?", I asked while crossing my arms.
We're both inside my room, seated in my bedroom's sofa.
"Hindi ba halata?", lingon niya sa akin sabay ngisi, "Pero time-out muna ngayon. Kailangan mo matuto", saad niya at pinakita sa akin ang yellow paper na puro red marks.
Magaling siyang magturo. Sa katunayan, mas magaling pa siyang magturo kaysa sa professor ko. Hindi nga aakalain ng kung sino mang makikinig sa kanya na STEM at Engineering ang kinuha niya dahil parang mas alam niya pa ito kaysa sa akin na talagang ito ang piniling aralin.
"Dinner na tayo. Tama na 'to. Masasagutan ko na 'yung long quiz namin bukas. Promise!", I said and fixed my things.
"Sandali. Gagawan pa kita ng reviewer. Ibang set naman ng examples. Basta itong ginamitan ko ng blue ballpen, periodic ito. Ito namang ginamitan ko ng green, perpetual", turo ulit niya at pinagpatuloy ang mga sinusulat niya.
I waited for him to finish writing and stapled the bond papers, which are my reviewer, before we went down for dinner.
Naghaharutan kami sa hagdan noong matanaw namin pareho si Mommy na kakapasok lang galing sa main door. Mom saw us and she looked delighted to see Theo inside our house.
"Theo, hijo", she said and Theo ran downstairs to greet my Mom.
He hugged Mommy and even kissed her cheeks.
"Totoo nga palang napapadalas ka rito, hijo. Ngayon lang kita naabutan dito sa bahay kapag umuuwi ako", Mom said.
Sabay-sabay kaming naghapunan. Kumakain na kami noong dumating si Kuya Pancho. Inalok namin siya na sumabay sa aming kumain pero hindi na raw dahil may mga gagawin siya. May bitbit siya na mga paperbags galing sa isang bookstore, marahil namili ulit ng mga gamit.

BINABASA MO ANG
Lose to Win (Trazo Real Series #2)
RomansaTo save her brother from their father's wrath, Clara Priscilla Del Rio agreed to an arranged marriage planned by their parents. She thought that the sacrifice she made for her brother will reward them of his brother's dream and success. What she did...