Chapter 14
Magkatabi lang ang suite na kinuha ko para sa amin ni Kuya Pancho. I went inside my suite to change my clothes and rest for a bit. I texted my brother kung gusto niya bang kumain kami sa labas o room service na lang. Ang sabi naman niya'y hindi niya ako masasamahan dahil umalis siya at may kikitain na "kaibigan".
I doubt that. Kailan pa siya nagkaroon ng kaibigan dito sa Cebu?
Mas gusto ko pang paniwalaan kung sinabi na lang niyang babae ang kikitain niya dahil palagay ko nama'y babae nga talaga.
"Mom?", I said as I answered my phone when she called.
"Nasaan ka? Is it really true that Pancho is also in Cebu?", dinig ko ang galak sa boses ni Mommy.
She must have missed my brother so much. My brother remained distant to my parents ever since he left the house. Hindi na rin nagpumilit pa ang mga magulang ko na bisitahin si Kuya sa condo unit nito dahil sigurado naman silang ipagtatabuyan lang sila ni Kuya.
"Yes, Mom. Narito rin sa Cebu si Kuya", I said to confirm it.
"We're on our way to the hospital. Do you want to eat dinner with us? Bibisita kami roon ng Daddy mo at pagkatapos ay kakain na rin ng hapunan"
I'm hungry but I don't want to eat with them. Not now. I'm tired.
"Hindi na, Mom", I declined.
Nagpadala na lang ako ng pagkain sa room service at tsaka kumain ng hapunan. Naisip ko tuloy kung ano na ang nangyari roon kay Theo. Would my parents find it weird if they see Theo with Liannon? Hindi naman siguro.
After all, they knew that Theo and I don't like each other. Hindi na dapat pa silang magulat kung may isa man sa amin ang magkagusto sa iba.
While fixing my things in my suite, I stared again at my birthday gift for Theo.
Dinala ko 'yon dito sa pag-asang maibibigay ko 'yon sa kanya. If we will never really talk again like how we were before, I at least want to give this gift I bought for him. Pakiramdam ko, sa tuwing nakikita ko 'to, may kung anong mabigat na nakadagan sa akin.
Maybe by giving this to him, I can finally free myself from that feeling. I no longer have any intentions of explaining my side to him. It's not like it will change anything now that he's got a new girl which apparently is one of his "friends".
Troy:
Nakauwi na ako sa probinsya hehe
Ako:
Good. How are they? Ikumusta mo'ko kina nanay at tatay
Troy:
Oo naman. Itong kapatid ko nga ikaw ang bukambibig. Shoutout daw amp.
Ako:
Sira! I'll do one later and send it to you. Kumain na kayo?
Troy:
Oo, kakatapos lang. Ikaw, kumain ka na ba? Kasabay mo kumain si Kuya mo?
I pouted. Mag-isa na naman akong kumakain ngayon. Hindi ko naman sinisisi ang kapatid ko na umalis siya dahil for sure, may personal din naman siyang buhay. I can't always tuck my brother with me.
Sadyang, nasanay lang ako.
Sinanay kasi ako na may kasabay...
Ako:
Yup. Kumain na ako.
We were texting until he told me that he has to fix his bed. It's already 9 pm and I'm bored. Gusto ko sanang mamasyal kaya lang pasara naman na ang mga malls dito. Pakiramdam ko rin, hindi naman ako dapat nandito para mamasyal dahil nandito naman ako para kay Theo.
BINABASA MO ANG
Lose to Win (Trazo Real Series #2)
RomansaTo save her brother from their father's wrath, Clara Priscilla Del Rio agreed to an arranged marriage planned by their parents. She thought that the sacrifice she made for her brother will reward them of his brother's dream and success. What she did...