Chapter 4

597 14 2
                                    

Chapter 4

My handler's call woke me up. It's weekend and I don't have plans today but to sleep, but Tita Jen called so early.

"Yes, Tita?", sagot ko habang nakapikit.

"Is it true that you bullied your classmates when you were in elementary and junior high school? May balita pa na nakipag-away ka raw nito lang senior high", bungad sa akin ni Tita kaya napakunot ako ng noo.

"Huh? I didn't bully anyone", saad ko at bumangon sa pagkakahiga.

"May mga nagpapakalat ng balita sa'yo, claiming that you bullied their friend at kung sinu-sino pa. Check your social media accounts, 'nak", utos ni Tita kaya naman kinuha ko ang iPad ko para tingnan ang accounts ko.

There were hateful comments on my latest tweets and Instagram posts. I rolled my eyes and read some of them.

Behind that pretty face is a shitty attitude

Remember her character in that drama anthology? She was a victim of bullies there but turns out she's the bully irl smh

Sabi ko naman sa inyo, maganda lang talaga 'yan pero masama ang ugali

Aanhin namin ang ganda mo @claradelrio at 'yang talent mo sa pag-arte kung masama naman ang ugali mo?

Bully! Rot in hell, bitch!

May mga nagtatanggol din sa akin pero mas marami pa rin ang mga masasamang komento.

How sure are you guys about her being a bully? Let's wait for her to speak up. Masyado kayong nagpapapaniwala sa mga pinakakalat ng mga tao. Stay strong @claradelrio.

Hindi talaga ako naniniwala. May mga nagsasabi na masungit siya pero hindi naman siguro totoo na bully si Clara.

She's kind. Nagpa-picture ako sa kanya sa mall dati at hindi ko ramdam na masama ang ugali niya. Huwag kayo agad naniniwala sa mga ganyang balita.

Marami pang mga sinabi tungkol sa akin. Naging trending pa nga ang pangalan ko. Wow!

Ako:

Tita, hindi totoo 'yon. I am not a bully. Napapaaway ako before but I didn't bully anyone.

Tita Jen:

Bakit naman may maglalabas ng ganoong balita sa'yo? Hindi pa sigurado pero sa tingin ko ay galing ang rumors sa fans ni Harry at ng dati niyang loveteam na si Mara.

Ako:

Hayaan na lang po natin. Lilipas din 'to.

Tita Jen:

Sigurado ka? Ayaw mong magsalita?

Ako:

Huwag na po. Maliit na bagay.

I said and then logged out of my social media accounts.

Sa school, pinagtitinginan na naman ako ng mga tao. Hindi ko pinansin ang mga tingin nila sa akin. Dukutin ko mga mata nila 'e.

Taas noo akong naglalakad habang papunta sa room namin na parang wala lang sa akin ang mga 'yon. Nasabihan naman na ako na maaaring hindi maging maganda ang opinyon ng mga fans sa nabalitang pagsasama namin ni Harry sa isang proyekto kaya hindi na ako nagulat.

I just find it ridiculous that his fans are pestering me because of that fantasy anthology project. We aren't an official loveteam yet for Pete's sake!

"Girl, okay ka lang?", tanong ni Shawn pagkaupo ko.

Wala pa si Nicole at si Jane, absent na naman yata ulit dahil may taping.

Lose to Win (Trazo Real Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon