Chapter 35
"Bakit may mga galos ka?", tanong ni Neil nang magkita kami sa tent. Nakasuot ako ng maong shorts at one-piece sa loob 'non. Kita ang mga galos ko sa malapitan pero hindi naman halata mula sa malayo. Ganoon na rin ang paso ko na hindi naman din ganoon kalala.
"Nabagsakan din ako 'nung umbrella cottage kagabi. Hindi naman malala kaya okay lang", saad ko at bumaling na kay Gela dahil lalagyan pa ako ng sunblock.
"Ha? 'E balita ko si Jane lang ang pumunta sa may clinic ah? Dapat nagpatingin ka na rin, mamaya may bali ka pala", saad niya at marahang hinaplos ang galos sa aking braso.
"Hindi naman malala. Is she okay? Makakapag-taping ba siya ngayon? May eksena kayo mamaya 'di ba?", tanong ko.
"Mas malala nga itong sa'yo. Makakasama 'yun. Alam na ba ni direk?", tanong niya sa akin at tumango-tango naman ako.
Hindi ko alam kung nasaan na si Theo. Kagabi ay tahimik lang kaming dalawa at medyo nagtagal pa roon sa ilalim ng puno ng niyog. Walang umiimik sa aming dalawa kahit paminsan ay nahuhuli ko siyang lumilingon sa gawi ko. Tila may gusto siyang itanong o sabihin pero hindi niya magawa dahil nakatitig lang ako sa buwan.
Tahimik lang din kaming naglakad pabalik sa suite namin at katulad ng sinabi niya, sa kanya nga ang suite sa kaliwa ko. Hinintay niya akong makapasok sa suite ko at kahit pa noong isasarado ko na ang pinto, tanaw kong nakatingin pa rin siya sa akin na may mga nangungusap na mga mata.
Umakyat kami sa isang cliff at mula roon ay tatalon kaming dalawa. May eksena rin kami na naglalangoy at sa huli ay kissing scene.
"Hindi ba hahapdi 'yan?", tanong niya ulit sa akin at ngumuso ako.
"Hindi ko alam 'e. Okay lang 'yan maliliit lang naman", sambit ko at tsaka nilingon si direk para sabihing ready na kami.
Dalawang araw lang kami sa Palawan at ang sunod na taping na namin ay sa susunod na linggo na. Huli na naman na 'yon at nagkataon lang na may ilang araw na break kami mula sa taping dahil may mga commitment ang director namin next week na kailangang puntahan.
Nagpaiwan ako rito sa Palawan para sulitin ang dagat. Kinailangan nga lang lumuwas nina Gela at Wesley kaya kami lang ni Ate Len ang natira rito. I promised I'll buy them pasalubong, though.
"Ma'am, ang ganda talaga rito. Ang linaw ng tubig", sambit ni Ate Len habang nag-aayos kami ng suite namin.
"Maganda talaga. But you should have seen Anilao and Nasugbu, magaganda rin ang mga dagat doon", saad ko at tumulong sa kanya sa paglilinis.
"Hala! Ako na ang bahala, Ma'am. Magrelax ka na po 'ron at madali lang naman linisin ang mga ito", sambit niya pero tumulong pa rin ako.
Sa hapon ay nagpalit lang ako ng two-piece at tsaka naglagay ulit ng sunscreen at sunblock. Balak kong sumakay sa balsa mamaya. Naisipan ko kasing bumisita sa isang falls dito pero hindi na sumama pa si Ate Len dahil sumasakit pa rin ang tiyan niya.
"Pumunta ka na kaya sa ospital? Maybe something's wrong with your stomach. Gusto mo samahan kita, Ate Len? I'll pay for everything", saad ko pero umiling naman siya kaagad.
"Kaya ko na 'to, Ma'am. Ako na lang ang pupunta. Diarrhea yata ito 'e", saad niya.
"Come on, it's better to still get yourself checked. Ihahatid muna kita sa clinic tapos pupunta na rin ako sa may talon", saad ko at tsaka nagpatong na lang ng shirt at shorts bago sinamahan si Ate Len papunta sa may ospital.
Ang problema ko ay wala akong sasakyan dito. It's either we get a shuttle or a tricycle. I'm fine with riding a tricycle but that means we'll have to walk further. Inaalala ko itong si Ate Len dahil sumasakit pa rin ang tiyan niya.
BINABASA MO ANG
Lose to Win (Trazo Real Series #2)
RomansaTo save her brother from their father's wrath, Clara Priscilla Del Rio agreed to an arranged marriage planned by their parents. She thought that the sacrifice she made for her brother will reward them of his brother's dream and success. What she did...