Chapter 40

574 15 1
                                    

Chapter 40

My father was discharged from the hospital. Maingay pa rin ang media dahil si Theo na ang acting CEO ng Del Rio Corporation. Lalong umingay ang mga spekulasyon tungkol sa maaaring pagkakaroon ulit namin ng relasyon ni Theo.

The rumors about us spread like wildfire lalo pa't marami raw ang mga nakakita na magkasama kaming dalawa. Wala pa nga lang lumalabas na litrato kaya hindi makumpirma ang mga rumors. Kinokonekta 'yon ng mga tao sa pagiging acting CEO ngayon ni Theo.

"You are so doomed!", si Shawn na kasama ko ngayon sa isang salon.

"Hindi ko na alam, okay? Ang gulo ng mga nangyayari ngayon", saad ko habang nakatingin sa salamin. Nagpastyle lang ng buhok si Shawn at ako naman ay nagpapalagay ng kaunting kulot sa laylayan ng buhok.

"Sabi ko naman kasi sa'yo, just quit showbiz. Hindi na nakakatulong 'yang trabaho mo sa mental health mo"

"Ano namang gagawin ko kung titigil ako sa paga-artista? I don't want to do corporate work. Hindi ako para sa mga ganoong bagay"

"Do something else. Kung hindi ka magre-renew ng kontrata, take a vacation tapos hintayin mo lang na may maisip kang pwede mong pagkaabalahan at pagkakitaan"

"It's not easy, Shawn. Wala akong alam na gawin kundi ang umarte. Sure, my savings will keep me alive pero ayaw ko na aasa na lang ako sa ipon ko"

"May mga gwapo akong kakilalang piloto. Gusto mo ipakilala kita?", ngumisi siya sa akin at inirapan ko naman siya.

"Ayaw ko na ng mga reto"

"Sus! Ayaw mo ng reto pero kapag 'yung lalake na ang lalapit sa'yo, ayaw mo rin. Loyal ka talaga 'no?", pang-aasar niya dahil ang tinutukoy naman niya ay si Theo.

I eyed him to shut up. Mamaya ay maintindihan pa ng nag-aayos ng buhok namin ang pinag-uusapan namin.

"Sabagay, loyal din naman ang Kuya mo kaya mana mana lang talaga 'no? Hay naku! Si Liannon nakita ko noong kailan lang. Nasa bar sila kasama si Calista Riqueza. Para ngang si Troy nandoon din pero hindi ko maalala masyado kasi tipsy ang lola mo"

"Si Troy?", I asked. Tumango si Shawn at hindi na ako nagtanong pa. I miss hanging out with him, though. He's always busy with work and I know that he's also preparing for the licensure exam.

Pagkatapos namin sa salon ay nagpunta lang kami sa mall para mamili ng mga decors sa unit. Hindi ko alam kung bakit naisipan ko biglang magshopping. 

At dahil hindi ko kayang wala akong bagong perfume, namili ulit ako ng ilang bottles ng mga pabango na gustong gusto ko.

"Girl, super swipe ng card ah? Iba talaga kapag blockbuster ang mga movies 'no?", kantyaw sa akin ni Shawn na nakikiamoy din ng mga perfumes na pinagpipilian ko.

"I have a perfume collection, that's why", I said and smelled the perfume on my wrist.

"Nga pala... dahil wala naman nang nakikinig sa atin, ano ba talaga kayo ni Theo? True ba na nasa Palawan kayo?"

"He was there for work. I was there for work din. Hindi namin plinano 'yon", ngumuso ako at nag-isip kung sasabihin ba kay Shawn na manliligaw sa akin si Theo.

"Ano nga kayo?"

"Hindi ko alam. Ayaw kong isipin", saad ko at hindi na lang sinabi kay Shawn ang tungkol sa panliligaw ni Theo.

I didn't answer him last night. He was not asking permission, too. He told me he'll court me. At kahit pa gulat na gulat ako sa sinabi niyang 'yon, hindi ko rin alam kung bakit hindi ako maka-hindi.

Lose to Win (Trazo Real Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon