Luke POV
Tangna kating-kati na ang kamao ko. Gusto ko ng suntukin ang gago kong kapatid. Nananadya ba syang pagselosin ako? Sinasadya ba nya ang panlalandi niya kay Charisse sa harap ko? Tch. Pasalamat siya hindi ako malayang makakilos dahil sa nakabantay sa'ken dahil kung hindi, sa restaurant palang kanina, nagdugo na ang ilong niya.
Huminga ako ng malalim. Ang hirap ng ganitong sitwasyon. Fvck! Totoo nga 'yung lagi kong nababasang line na 'You're near, yet so far' dahil ramdam na ramdam ko 'yun ngayon. Tangna kasing anomalyang nangyari dito sa kompanya. Putek! Pati relasyon namin ni Charisse, na-apektuhan.
Di bale, malapit ko ng maayos ang lahat.
Naalala ko nang sabihin ko kay Charisse kanina ang salitang, one four three. Yeah, I need to said that. Para kunwari price lang ng pagkain. Tch. Hindi naman siguro slow si Charisse kaya mage-gets niya 'yun. Yung nakabantay saken na kutong-lupa, siguradong slow yun. Fvck!
Nag-check na ako ng mga papeles. Marami akong inaayos lalo na ang list ng mga kompanyang may partnership dito sa Palermo Enterprises.
Kumunot ang noo ko pagkatapos kong i-check ang isang folder na ang laman ay kontrata na pinirmahan na partnership from overseas.
Bakit walang kompanyang nagkaroon ng business deal from Hongkong? Eh galing don ang magaling kong kapatid at si Charisse para sa business deals ah? Tch.
Pinindot ko ang intercom. "Miss Alano, come inside my office now." Sabi ko saka muling tiningnan ang mga kontrata sa folders.
Maya maya pa ay may kumatok na at pumasok na si Charisse. Damn. The fact that she's mine and she's near but I can't kiss her. Damn it talaga!
"Yes, Mr. Palermo?"
"Nandito na ba lahat sa folder na 'to ang mga kontrata overseas?" Tanong ko.
Tumango siya. "Yes sir. Naayos ko na po lahat 'yan at organize na so wala namang naiwan sa table ko po."
Lalong kumunot ang noo ko. "Nasaan ang kontratang pinapirmahan nyo sa ka-business deal nyo sa Hongkong? Bakit wala rito?"
Kumunot din ang noo niya. "Ah, si Sir Lorence po ang may hawak non at siguro po ay hindi niya nailagay sa folder na 'yan."
Umiling ako. "No. He's aware that all the contracts signed should be put here."
"H-Hindi ko po alam, Sir. I'm sorry pero si Sir Lorence po kasi ang may hawak ng mga papeles at kontrata nung pumunta kaming Hongkong."
"What? Hindi niya pinahawak sayo? Sa pagkakaalam ko, lahat ng files at contracts ay nasa pangangalaga dapat ng secretary. Right?"
Tumango siya. "Opo pero biglaan po kasi at pagkakatapos ng business deal at pagpirma sa contracts, inilalagay po agad ni Sir Lorence ang papeles sa dala niyang attache case."