Charisse POV
Burung-buro na ako dito sa table ko. Jusko naman kase! Oras na ng uwian pero dahil bigla nalang nag-deklara ng over time ang big boss, wala naman akong magawa.
Kinailangan ko pang tawagan si Harris kanina para i-cancel 'yung lakad namin dapat ngayon. Psh.
Anong gagawin ko? Kanina ko pa tinititigan ang schedule ni Palermo pero wala namang kailangang ayusin. Ano bang pumasok sa utak niya para magpa-overtime?
Naghalumbaba ako habang nakatukod ang siko ko sa mesa. Kailangan kong mag-isip ng gagawin. Dahil kung hindi, for sure maiinip lang ako dito. Buti sana kung may TV dito eh, tapos facebook. Kaso hindi. May internet ang company pero blocked ang facebook. Di tuloy makapagcheck man lang ng facebook.
"Miss Alano, pakitimpla ako ng kape."
"Ay kabayo!" Nagulat ako nang magsalita si Palermo. Nasa harap ko na pala siya.
"Ang gwapo ko namang kabayo." Sarkastiko nyang sabi.
I rolled my eyes and whispered some blah blah.
"What did you say?"
"Wala po, Sir Luke. Ikukuha ko na po kayo ng kape." Tumayo na ako at pumasok sa office niya. Andon kase yung coffee maker.
Syempre, mawawalan ba ng mini kitchen si Palermo dito sa private office niya. Ang laki laki nito. Kama na nga lang ang kulang, pwede na siyang bahay.
Ramdam kong kasunod ko lang si Luke pagpasok ng private office niya. Dumiretso ako sa mini kitchen at doon sa counter nakapatong ang coffee maker.
Habang naggagawa ng kape, napaisip ako bigla. Bakit pala sinadya pa ni Luke na lumabas ng office nya para lang utusan akong ipagtimpla siya ng kape? Pwede namang itawag lang sa intercom. Pinagod nya pa ang sarili niya.
Naglagay ako ng coffee sa mamahaling cup syempre. At ipinatong iyon sa platito. "Here's your coffee, Sir." Nakangiting sabi ko saka ipinatong ko ang kape sa mesa niya.
Seryoso lang siyang nakatitig sa monitor ng laptop niya. Ni hindi man lang niya tinapunan ng tingin ang tinimpla kong kape.
Paalis na sana ako nang may maalala akong itanong. "Ah, Sir Luke, bakit hindi po pumasok si Sir Lorence?"
Napansin kong napatigil siya sa tina-type niya at nag-angat ng tingin sa'ken. "Nandito siya sa company ko para tulungan lang ako. Kung hindi man siya pumasok, hindi mo na 'yun kailangang alamin dahil ako ang boss mo. O baka naman may ibang dahilan kung bakit mo siya tinatanong?"
Ano na naman? Jusko nagtanong lang ako. Ang haba ng sagot nya. "Tinatanong ko lang po dahil tinuturing ko na rin siyang boss dito."
"Boss? Or may mas higit pa?"
"Kaya nga sai ko, boss. Boss po. B-O-S-S. Boss. Sa tagalog, amo. Pero di po ako katulong. Amo as in amo. At ako secretary. Sekretarya sa tagalog."
He showed me his poker face saka tumayo. Niluwagan pa niya ang necktie niya habang papalapit sa kinatatayuan ko.
"Miss Alano, ginagago mo ba ako?"
I pouted my lip. Partly, oo. Ginagago ko siya. Nakakagago din kase ang tanong niya. Sinabi ko na ngang boss eh tapos magtatanong pa ng kesyo baka may higit pa. Psh. Nakakainis ha.
"Don't pout your lips, Miss Alano. Just answer me, ginagago mo ba ako?"
"Op--hindi po! Hindi Sir Luke. Nagpaliwanag lang po ako." Sabi ko.