Chapter 45

670K 9K 1.5K
                                    

Wang wang! Baka may pulis. Wahahah. Joke lang. 

-

Charisse POV

Kinakabahan ako. Paano ba naman nakasakay na ako dito sa elevator pababa. At 'pag pababa, means papunta na akong parking kung saan naghihintay si Palermo. Hindi ako makapaniwalang napapayag niya ako sa gusto niya, shems!

Konsensya: Paano, gusto mo din. 

Hay! Gusto ko ba talaga o miss ko lang ang ka-gaguhan ng tingting na 'yon? Ehhhh! Kiss kasi ang hiningi niya at walang kahirap-hirap na napa-oo niya ako. Lakas talaga ng karisma ng lalaking 'yon. 

Ngumiti ako sa guard ng ngumiti siya sa'ken. Syempre, famous na ako dito sa Palermo Enterprises. Makita ba naman akong kasama ang dalawang naggagwapuhang lalaki kapag lunch--sina Luke at Lorence. 

Dumiretso ako sa parking. Bitbit ko ang bag ko at isang folder--kunwari lang papeles na ibibigay kay Palermo. Kainis! Para tuloy kaming teenager na nagtatago sa parents namin kapag magkikita eh. 

Sa di-kalayuan ay natanaw ko na si Luke na nakasandal sa kotse nya. Letse ka, Luke! Ba't ang hot mong tingnan! Syete!

"The 'K' then 'I' and double 'S'. Sakay sa kotse." Utos niya. May kakaibang ngisi sa labi niya. Langyang lalaki 'to, ano bang balak niya. Mamaya, nakasunod sa'men 'yung stalker kuno niya na nagsusumbong sa Papa niya ng ikinikilos niya. 

Sumunod naman ako kahit wala akong idea kung bakit kailangan pa akong pasakayin sa kotse niya. Eh para saglit lang ibigay 'yung nalalaman niyang K-I double S. Psh!

"Wag kang sumimangot. 'Di bagay. Tch." Sabi nya nang pareho kaming makasakay dito sa kotse. Agad niyang pina-andar ang makina ng sasakyan. Teka..

Nataranta ako. "Bakit..bakit mo pinaandar? Saan tayo pupunta? Y-Yung stalker mo baka---"

Mabilis niya akong nahalikan kaya napatigil ako. Expert nga naman. Nahalikan pa ako kahit nagda-drive eh. Landi talaga ng Palermo na'to. 

"He's gone."

Nanlaki ang mata ko. "Sino? Sinong wala na?"

"My fvcking stalker."

Wala na 'yung sumusunod sa kanya? Paanong nangyari 'yun? Saka.. "Naguguluhan ako."

"Iku-kwento ko sa'yo mamaya pagkadating natin sa condo ko."

Lalong nanlaki ang mata ko. "S-Sa condo mo?!"

"Hindi. Sa condo mo. Tch. Wala ka ngang condo eh."

Nag-poker-face ako. Langyang lalaki 'to napaka-pilosopo. "Letse! Bakit mo ako dadalhin sa condo mo?"

Casanova's Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon