Chapter 16 ♣ Inlove?

567K 8K 890
                                    

Charisse POV

Hindi ko expected na dadalhin ako ni Luke dito sa isang fancy restaurant. Hindi naman ako gutom. So ito na ba yung sinasabi nyang gagaan ang pakiramdam ko? By how?

"Pakakainin kita ng madami. Kahit anong gusto mo, order-in mo. Alam mo kase dati 'pag malungkot ako o masama ang loob, kumakain lang ako ng madaming madami. For sure, gagaan kahit papaano ang pakiramdam mo. Tiyan mo nalang ang bibigat."

=_=

Naalala ko tuloy dati. Yung juice na may pampatulog na dapat ay ipapainom ko kay Kyle dati, inagaw nalang basta ni Luke kaya ayun nawalan ng malay. Nasabihan pa ako ng ibang tigers na kriminal dahil don. Psh. 

"Oo nga 'no? Hilig mo ang pagkain." Sabi ko. Based na rin yung sa research namin dati. Diba nga stalker nila kami? Kami ng mga friends ko. 

"Yes. Ngayon, babae na ang mga hilig ko."

=_=

Hindi halata. Halatang-halata. "Hm, I see."

"Pero dati hindi naman ako ganito ka-playboy. Tama lang. Ganito siguro talaga kapag na-broken."

O_O

Ayan na. Io-open-up nya yata ulit yung tungkol sa first love nya. Yung nasa picture, syempre. 

"If you don't mind, bakit ka ba na-broken? Na-basted ka? Iniwan ka? Pinagpalit ka sa career? What?"

"Nagmahal ako ng babaeng may mahal ng iba." Makahulugang sabi niya. 

Oh geez. Hindi bagay kay Luke ang ganitong usapan but he looks miserable habang ikinu-kwento ang tungkol sa first love nya. Hindi pa rin kaya nito limot ang babaeng iyon? Naku, wala ng pag-asa ang bestfriend kong si Aileen. 

"A-ah, bakit mo sya minahal?" Lulubusin ko na ang pagtatanong habang nagsisimula na syang nagku-kwento. 

Wala pa rin naman yung orders namin. Ang dami ba namang in-order ni Luke. 

"Siya yung klase ng babae na unang tingin mo palang, unang ngiti pa nya lang sayo, mahuhulog ka na. Iba ang karisma nya. Siya ang dream girl ko. Gustung-gusto ko syang protektahan no'n pero hindi ko magawa dahil wala akong karapatan."

O_O

Oh shocks. Nagku-kwento na sya. So he trust me? Sabagay. Wala naman akong pagsasabihan ng tungkol don. 

"Funny but..yung pagka-gusto ko sa kanya, idinaan ko lang sa biro. Na-love-at-first sight kase ako. Pero nung mga time na yun, may fiance na sya. Kaya hanggang tingin nalang ako. Sa biro ko nalang kayang sabihin ang nararamdaman ko."

Masalamuot pala ang first love ni Luke. "So..hanggang ngayon, hindi nya alam ang totoong nararamdaman mo?" Tanong ko. Curious lang. 

Casanova's Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon