Chapter 33 ♣ Overtime

438K 8K 2.4K
                                    

Charisse POV

Konting oras nalang, out na ako. Naaalala ko na naman, parang dati lang every mag-a-out ako, hihilahin ako ni Luke papuntang bar para samahan siya dun. Psh. But now, iba na. Iba na ang sitwasyon. I'm mad at him. Sinaktan niya ako at niloko niya. 

I maybe look okay but deep inside, nasasaktan ako. Tapos para sa kanya parang wala lang nangyari. May mga babae agad siya. Well, playboy will always be a playboy. 

"Miss Alano, sabay ka na sa'ken umuwi. Hatid na kita sa bahay nyo."

Tumunghay ako nang marinig ang boses na iyon. "A-ah, sir Lorence?"

Seriously? Niyayaya niya akong sumabay sa kanya pauwi? Bakit?

"Tch. Sabay ka na sa akin pauwi."

Ngumiti ako saka tumango. "Sige po."

Umalis na siya sa harap ko. Makakatanggi ba ako? Eh si Sir Lorence 'yan. He's my crush, my ideal man pero nang dahil kay Luke parang nawala ang halaga ng pagiging ideal man ni Sir Lorence. Natutunan ko kase na kahit pala may ideal man ka, kapag nagmahal ka na, there's always an excemption. Parang kay Luke. I hated almost all his attitude but despte of that, minahal ko pa rin siya. 

Maya maya pa ay lumabas na si Luke mula sa private office niya. May kausap sa phone. 

"Yeah. See you later, baby."

Psh. For sure, mag-uuwi na naman siya ng babae sa condo niya. Magsama sama sila ng malalandi niyang babae. 

Napatungo ako nang bigla siyang tumingin sa'ken. Baka magtaka pa siya ba't ako nakasimangot. Letse sya! Eh mahal ko siya eh. Malamang maging amplaya ako dito. Bwisit siya. 

"Miss Alano, di ka pa uuwi?" Tanong niya. 

"A-ah, maya-maya na po, Sir." Sagot ko. 

Nakakasuka ang mag-pretend na mabait at magalang sa kanya. Pasalamat siya boss ko siya dahil kung hindi, baka kanina ko pa siya binato ng printer sa mukha. 

Tumango-tango lang siya saka sumakay na sa elevator. Okay! Nakahinga na ako ng maayos. 

"Miss Alano, let's go." Yaya ni Sir Lorence na kakalabas lang sa private office. 

Ngumiti ako at tumayo na. Kani-kanina ko pa naman naayos ang gamit ko. Binitbit ko na ang bag ko saka sumabay sa paglalakad kay Sir Lorence. 

Nanlaki ang mata ko nang bumukas ang elevator. Bakit sakay pa rin si Luke? Diba bumaba na siya?

"Luke? Akala ko bumaba ka na?" Tanong ni Sir Lorence. 

"Tch. Paki mo Bro. Nagra-roundtrip ako." Sagot ni Luke na ikinalaglag ng panga ko. 

Seriously? Roundtrip sa elevator? Nasisiraan na yata ng ulo si Palermo. 

Tumawa si Lorence habang papasok kami ng elevator. "Tangna mo, Luke! Roundtrip sa elevator? Naka-tira ka ba ng katol?"

"Gago! Kanya-kanyang trip lang 'yan."

"Trip nga ba? O papansin moves?"

"Fvck you Lorence!"

Nakaka-OP silang dalawa. Sige magmurahan lang kayong dalawa. Wala ako dito eh. Actually, anino lang ako. Aninong gumagalaw. Psh!

Bumukas na ang elevator at bumaba na kami. Sabay sabay kaming naglakad hanggang paglabas ng parking lot. 

"Let's go, Charisse." Hinila ako ni Lorence sa kotse niya. 

"Lorence! Anong ginagawa mo kay Miss Alano?" Tanong ni Luke. Masama ang tingin niya. 

Casanova's Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon