Chapter 42

512K 8.5K 2K
                                    

Hongkong

Charisse POV

Maganda ang kinalabasang resulta ng mga business meetings na in-attend-an namin ni Lorence dito sa Hongkong. Approved lahat ng business deal na pinropose ni Lorence and I felt happy about it. Makakatulong din kase iyon sa company ni Luke. Gusto ko ng matapos ang anomalyang kinakaharap ni Luke para..you know. 

Pagkatapos manggaling ni Luke dito, nawalan na kami ng time ni Lorence na maghappy-happy dahil sunod sunod ang meetings na naka-schedule. Kailangang na rin naming bumalik sa Pilipinas. 

Ngayon ay ready na ako. Naka-ayos na lahat ng gamit ko. Hinihintay ko nalang si Lorence. Private plane daw ang sasakyan namin pabalik sa Pilipinas from Palermo's Enterprises. Hindi ko maitago ang ngiti sa labi ko. Nae-excite akong makita ulit si Luke. Hindi naman niya ako tinatawagan and I understand why. Alam kong mahigpit ang bantay niya. Naaawa tuloy ako kay Luke. Hinaharap nya 'yong mag-isa. Kung sana pwede ko siyang tulungan.

*door buzzer*

Si Lorence na siguro. We're going back to Philippines! Makikita ko na ang ka-gwapuhan ng lalaking mahal ko. Boom kilig. 

-

Philippines 

Charisse POV

Dumiretso ako dito sa bahay namin. Binigyan ako ng isang araw na pahinga. So eto nga at magpapahinga ako. 

I checked my phone. In-open ko ang facebook. May free data kaya ngayon sa globe. Then I browse my newsfeed. 

Juice colored. Sunud-sunod na status ni Luke ang nakita ko. Nahiya ang newsfeed ko sa kanya eh. 

Luke Evans Palermo I fvcking love her. 

Luke Evans Palermo She's my life. 

Luke Evans Palermo Missing her existence 

Luke Evans Palermo I'm gonna marry her anyway

Luke Evans Palermo MuAhaL nUah MuahaL kCo sZxa, wUaLan9 thitHibag. BoSzx LUke h3re. 

Pakshit! Nakakadiri si Palermo! Naging jejemon na. Ewww. Di bagay. Naturingang CEO ng kompanya, nag-jeje language. 

Ni-like zone ko lang siya. Hindi naman ako pwedeng mag-comment. Maya maya pa ay mag nagpop-out na notification. May nag-add sa'ken. 

Lurisse Forever

Accept  |  Ignore

Sino naman 'to?! Di ko naman 'to kilala. In-accept ko nalang. Di naman ako madamot sa facebook. 

Casanova's Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon