Chapter 4

630K 9.5K 1.2K
                                    

Charisse POV

Isang araw na puno ng trabaho. Grabe pala 'pag ganitong mga kompanya. Nakaka-pressure. Kase yung iba may mga oras na dapat ay matapos. 

Oras na ng uwian. Nag-aayos na ako ng gamit ko dito sa table ko nang biglang lumabas na sa opisina niya si Sir Luke. 

"May meetings ba ako bukas?" Tanong nya. 

Tiningnan ko agad 'yung list of schedules niya. "Wala po Sir." Sagot ko. 

Kahit kilala ko si Luke Palermo bilang myembro ng Tigers, hindi ko pa rin maiwasang kabahan kapag kaharap siya. Kahit papaano, big boss ko pa din siya. 

"Okay then." Sabi nya saka umalis na. 

Umingos ako. Malamang tuwang-tuwa 'yan na walang meeting bukas kase makakapang-babae siya. Psh! Mga gwapo talaga oh. 

Binilisan ko na mag-ayos ng gamit ko para makauwi na ako. 

Pagkatapos ay tumayo na'ko. Ini-scan ko ang buong mesa ko kung may naiwanan ako o dapat na itago. Okay naman na. Maayos na lahat. 

Kinuha ko na ang bag ko saka naghanda ng umalis. Thanks God, natapos ang first day ko. 

Pagbaba ko ng building, nag-abang agad ako ng jeep. Karamihan ng narito, puro taxi ang hinihintay tapos ako na secretary ng big boss, jeep ang hinihintay. Okay sorry, poor. 

Ilang minuto na pero wala pa rin akong masakyan na jeep. Punuan kase. Ano ba 'yan. Di ko pa afford mag-taxi. Wala pa kayang sweldo. First day ko pa nga lang eh. 

Omg. Naramdaman ko ang mahinang pagpatak ng ulan. Hala. Wala akong dalang payong. Jusko! Wag naman sana umulan ng malakas. Tama na 'yang ambon. 

Shocks! Lumakas ang ulan. Napatakbo ako sa waiting area. Kahit papaano ay may bubong pero maliit lang. Aish. First day na first day minamalas ako. 

Wala na yata akong pag-asang maka-uwi.  Yung mga dumadaan na jeep talagang punung-puno. Waaaa!

H-Huh..?

May tumigil na kotse dito sa harap ng waiting area. Then bumaba 'yung glass window. 

"Get in."

Tinuro ko ang sarili ko. "A-Ako?"

"Tch. Sino pa ba? Faster. Get in!"

Nagulantang naman ako sa sigaw niya kaya napatakbo na ako pasakay ng kotse nya. Medyo nabasa pa ako. 

"Tch. Learn to bring umbrella."

Hindi ako umimik.

"And learn to ride a taxi."

"Hindi po ako mayaman para mag-taxi." Sabi ko. 

"Hindi lang naman mayayaman ang nagta-taxi. Minsan ang taxi, pang-emergency din. Halimbawa, ganyan na umuulan o kaya 'pag nagmamadali ka."

Ohh, okay. Pero kahit na. Ayoko pa din mag-aksaya ng pera sa taxi. 

"Di ka na nagsalita?"

"A-Ah, wala na po akong sasabihin, sir."

"Okay. What's your address?"

Ihahatid nya ba talaga ako, as in sa bahay ba namin? "Ano, sa blah blah blah."

Nabanggit ko na sa kanya 'yung adress. Nakakahiya naman. Big boss ko tapos siya pa maghahatid sa'kin. 

"How's your first day being my secretary." Tanong niya. 

"Okay lang po." Magalang kong sagot. 

"I didn't know na ganyan ka ka-galang. Ang you looks so innocent. Parang pagkaka-alam ko, ginulo mo dati ang lovelife ng pinsan mo."

"A-Ano?"

"Wag ka ng magpanggap na hindi mo alam. Ako, alam ko lahat. Backgrounds mo, at alam kong pinsan mo si Chelsea Torres Shin-Woo."

Alam pala nya. "Past is past." 

He laughed a little. "Yeah. Past is past. May feelings ka pa din ba kay Kyle Shin-Woo?"

"M-Matagal na yun. Wala na. Saka maayos na kami ng pinsan ko. Mawalang-galang lang, hindi naman na siguro kailangang pag-usapan yan."

"If you say so. Di ko lang maintindihan kung anong nakita mo kay Kyle dahilan para sirain mo sila dati."

"Tapos na p--"

"Mas gwapo pa nga ako kay Kyle."

Yan, i-push yan Luke. "Okay."

"Yun lang reaksyon mo? Tch. Di mo ba alam na pinag-aagawan ako ng mga babae?"

Given na yun sa mga playboy na tulad mo. Aish. "I know."

"Oh, see. Ba't parang 'di ka man lang na-gwapuhan saken?"

"Naga-gwapuhan po ako sayo pero wala lang po talaga kayong appeal sakin. Di po kayo ang type ko."

Okay. I'm just being honest here. Wala talagang appeal saken ang isang Luke Palermo. 

"What did you say!?"

Okay. Na-highblood yata si Sir Luke. "I'm just telling the truth. Di ko kayo kailangang bolahin dahil di naman kayo bola."

Anong sabi ko?

"Then fine. Get out of my car."

"P-Po!?"

"I said get out of my car. Hindi na rin naman umuulan."

Okay. Dahil ba sinabi kong wala syang appeal saken? Tsk tsk. 

Huminga ako ng malalim saka bumaba na ng kotse nya. 

Okay, abang na ulit ng jeep. Ang bastos lang nung Palermo na yun. Psh! Pinasakay ako tapos papababain ako. Argh!

Kainis. 

--
Luke POV

Tch. Yung babaeng 'yun!

Anong sabi nya? Wala daw akong appeal sa kanya!? Hindi ba nya alam na nagkakandarapa ang mga babaeng nakakakita sa akin tapos sasabihin nya, wala akong appeal sa kanya?

Damn that girl. Pinababa ko nga siya. Ka-bwisit. 

Sa sobrang dami ng chicks na lumalapit sakin, diko na nga napapansin lahat. Tapos sya 'tong nagkaroon ng one time experience na makasakay sa kotse ko, sinabihan pakong walang appeal!? Tch. Kung tutuusin nga, napaka-swerte na nya na napansin ko siya. Takte talaga. 

Ngayon lang natapakan ang ego ko. Sa gwapo kong 'to? Walang appeal? Tang*na talaga. 

Humanda ka saken bukas Charisse Alano. 

*
To be more updated!

Facebook: Pinkyjhewelii WP
Twitter: pinkyjhewelii
Instagram: pinkyjewell
Youtube Channel: Jewell Diaries

Casanova's Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon