Chapter 12 ♣ Phone Call

582K 7.8K 454
                                    

Charisse POV

Nandito na ako sa table ko. Maaga akong pumasok. Feel ko lang. Hindi na kasi ako nakatulog ng maayos kagabi. Si Palermo kase, kainis!

Bakit ko ba kasi iniisip yung first love niya? Na parang iniiyakan nya kagabi? Parang di lang talaga kase ako makapaniwala na ang isang playboy na tulad niya ay na-inlove na noon.

"Daydreaming while working? Nice. Huh?"

O___O

Napapitlag ako sa baritonong boses na iyon. Si Luke Palermo! Ay shocks! "Goodmorning, Sir."

He smirked. "Bakit hinayaan mo lang ako sa condo ko kagabi? Tch."

Huh? Ano daw. "You're drunk nga po. And I think kaya mo naman po ang sarili mo."

"Tigilan mo nga mag-po. Tch. Di bagay."

"Why Sir? You're my boss." Sabi ko. Kung wala lang kami dito sa kompanya, hindi naman ako mag-po-po sa kanya.

"Fine. By the way, may appointments ba ako ngayon?" Tanong nya.

Agad kong chineck ang hawak kong papel kung saan nakasulat ang schedules niya.

"Mamaya pong two-thirty meeting with Mr. Reyes then at four, kay Mr. Javier.."

"Javier?"

"Mr. Kit Javier po--owner of one of the biggest car company in the Philippines."

Bigla nalang syang natawa. Anong meron? Tinotopak yata ang boss ko.

"Fine. Remind me kapag four na."

"Pero mamaya pong two thir---"

"Cancel it."

=_=

Ganun-ganon lang yun? Ika-cancel kapag ayaw nya? Psh. Pero dun sa ka-meeting nya ng four, hindi niya matanggihan. Sinuswerteng Kit Javie---

O____O

Isa yun sa member ng Tigers ah? Kaya naman pala. Psh. Favoritism. Pero sa pagkaka-alam ko..gwapo din yun. Ay nako! Sigurado magkakagulo na naman ang mga empleyadong babae mamaya.


--

Luke POV

Tangna. Diko alam pero parang umurong ang dila ko. May hiya rin pala akong tinatago sa katawan.

Tatanungin ko sana si Charisse kung may nabanggit akong pangalan ng babae sa kaniya kagabi. Damn it. Nalasing ako at parang natatandaan ko, nabanggit ko si Yumiko. Mahirap na. Baka mai-tsismis pa ni Alano sa iba.

Katago-tagong sekreto ko yun. Oo, first love ko si Yumiko. Una ko palang siyang nakita nung ipakilala sya samen ni Lance, sa SWU palang, nagkaroon na agad ako ng crush sa kanya.

Hanggang sa binibiro-biro ko siya. Hindi ko inasahan na aabot sa puntong magkakagusto na ako sa kanya. Yung tipong gusto ko syang protektahan kapag sinasaktan siya ni Lance dati. Tipong gusto ko na syang agawin pero alam kong hindi pwede. Kaya nga dinadaan ko ang lahat sa biro.

Kasal na sila. Sila ni Lance Abellano, matalik kong kaibigan at dating ka-team sa SWU Tigers. Wala na akong pag-asa kaya pinilit ko syang kalimutan. Ang malas ko lang dahil hindi ganon kadaling alisin yung nararadaman ko para sa kanya. Kaya nga kung playboy nako noon, na-triple ngayon. Iba't ibang babae araw-araw. Pure casanova. Yun ako ngayon.

Casanova's Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon