Chapter 22 ♣ Rejected

537K 7.6K 1.1K
                                    

Charisse POV

Ayaw i-digest ng isip ko ang narinig mula kay Luke. Really huh? He's serious? He's in love with me?

Hindi sa nagmamaganda ako pero di ko talaga siya type. Gwapo siya, oo pero si Lorence ang gusto ko. Sa kanya ako nakaramdam ng spark eh--na hindi ko naramdaman kay Luke. 

Kahit naman sino kikiligin siguro kapag narinig mo yung ganitong words mula sa isang Luke Palermo pero saken, hindi eh. Walang hatid na kilig. Isa pa, ayokong maging unfair. Ayoko siyang paasahin. 

"Luke.."

Tiningnan nya ako ng diretso sa mata. "Now, tell me, do you like me too? Do you love me too?" Sunud-sunod na tanong nya. 

I sighed bago tumingin sa kanya. "Siguro gusto kita, siguro lang. But I'm inlove with.."

"With me?" May pag-a-asam sa tono ng pananalita niya.  

"With someone else. I'm sorry.." Sagot ko.  

Yung itsura ni Luke napalitan ng ekspresyon. Yung itsurang mukhang nabigo. 

Hindi ang klase ni Luke Palermo ang ideal man ko. Kailanman hindi ko pinangarap na magmahal ng isang ultimate playboy. Nakita ko kung gaano siya ka...landi. At kalapit sa mga babae. At ayoko ng ganon. Kung magmamahal man ako ng lalaki, gusto ko yung mahal din ako, yung ako lang. 

Ayoko na ring maranasan yung kahibangang nagawa ko no'n sa pinsan kong si Chelsea. Minahal ko si Kyle Shin-Woo, ipinilit ko ang sarili ko kahit hindi naman nya ako gusto o mahal, pero anong napala ko? Ako lang ang nasaktan. Kaya hangga't maaari, ayokong masaktan si Luke tulad ng naramdaman ko noon. 

Kung ipipilit niya ang sarili niya saken, masasaktan lang siya. Kaya mas mabuting sabihin ko na agad ng maaga sa kanya. Para hindi na lumalim pa yung nararamdaman niya para sa'ken. 

Saka si Lorence..

Siya ang ideal man ko. Sa katunayan nga, in love na ako sa kanya. Kakaibang kilig ang nararamdaman ko, konting ngiti lang ni Lorence, yung puso ko nagtatatalon na. Pero kay Luke, sakit lang siya sa ulo. 

"Who's the fvcking guy?"

Shet. Di ko naman pwedeng sabihing yung kapatid nya. No. "Hindi mo siya kilala. Alam mo Luke, mag-stay naman ako as your pretend girlfriend. 

"Tell me, who's that fvcking guy. Mas gwapo ba siya sa'ken ha?!"

Damn. Kung alam mo lang Luke. Actually, magkamukha kayo. "Y-Yes." 

"Then tell me who is he! Gusto kong makita ang lalaking pinagmamalaki mo."

"No. Hindi na kailangan. Saka pwede ba Luke wag kang um-aktong ganyan. Hindi bagay sayo. Hindi ganyan ang pagkakakilala ko sa isang Luke Palermo--na happy go lucky."

Casanova's Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon