Chapter 13 ♣ Caller

553K 7.7K 252
                                    

Luke POV

"ANO?! Asdfghjkl."

Tengene talaga 'tong kapatid ko. Basta basta nalang eh.

[At seven am dapat nasa airport kana. Magdala ka na ng placard with my name. Baka hindi kita makilala eh. Ang layo pa naman ng ka-gwapuhan ko sayo.]

=_=

May kayabangang taglay talaga ang kapatid ko. Tch.

Narito ako sa party ni Oliver pero 'tong kapatid kong basta basta nalang tumawag at nagpapasundo sa airport bukas ng maaga! Damn it. Edi hindi ako pwede magpakasasa sa alak mamaya? Wrong timing naman.

"Mayabang ka pa rin hanggang ngayon. Ge. Tch." Sagot ko.

*toot toot*

Kita mo. Basta nalang pinatay. Wala man lang paalam. Bastos talaga.

Kung natatandaan nyo man o hindi, may kapatid ako. Mas matanda saken ng isang taon na naka-base sa US dahil sya ang nag-aasikaso ng kompanya namin dun. Dun din sya nagtapos ng pag-aaral.

Ano naman kayang nakain ng ugok na yun at uuwi? Work-aholic ang gagong yun eh. Walang alam kundi magpayaman. Tch. Ang yaman yaman na nga ng pamilya namin, lalo pang pinapayaman.

"Sinong tumawag sayo brad?" Tanong ni Oliver.

"Kapatid ko."

"Ah si Lorence? Anong nakain nya at uuwi?" Nagtatakang tanong nya.

Kilala sya ng buong Tigers dahil dati madalas yun umuwi kapag bakasyon nung mga highschool palang kami. Sa US din sya naghighschool habang ako dito sa Pilipinas.

Alam nila kung gaano yun kasubsob sa pag-aaral dati at ngayon ay sa kompanya.

"Malay ko sa ugok na yun. Hindi ako magtatagal brad. Pasensya. Alas-syete ng umaga ko susunduin ang kapatid ko sa airport."

"Napakasweet namang kapatid! Sundo pa ah. Wahahaha."

"Gago!"

Hinila ko si Charisse sa mesa. Hindi na ako magtatagal sa party na'to. Baka mamaya may chicks eh.

--

Charisse POV

"Anong gusto mong kainin? Ikukuha na kita."

Aba, anong nakain ng Palermo na'to at ang gentlemen yata? Pero hayaan na. Minsa lang 'to.

"Kahit ano. Ikaw na ang bahala."

"Okay baby. Wait me here."

Accckk. Gustung-gusto ko ng masuka sa pagtawag nya saken ng 'baby' Ew Palermo.

Napaisip naman ako sa narinig kong conversation nila ni Oliver kanina. May kapatid pala si Luke? Yung tumawag sa kanya kanina at nagpapasundo sa airport bukas.

Hindi ko ma-imagine ang itsura nya. Ano kayang ugali non? Playboy din kaya tulad ni Luke? Psh. Bat ko ba iniisip yun? Paki ko ba sa kapatid nya.


--

Luke POV

Putek. Antok na antok pa ko pero ang gagong digital clock sa side table ko, ang ingay ingay. Langya.

Kasalanan ng Lorence na yun. Kelangan pang magpasundo. Tch.

Hindi na nga ako nakatagal sa party kagabi. Pagkatapos naming kumain ni Charisse, saglit lang nakipag-kwentuhan sa ilang tigers. Buti hindi ko nakita si Yumi kung hindi, wasak na naman ang puso ko. Wahaha.

Inihatid ko lang kagabi si Charisse sa bahay nila pagkagaling sa party at umuwi nako dito sa condo ko. Dalawang araw na yata akong hindi nakakapag-uwi ng babae ah. Tch.

Six-thirty na. Bumangon nako at saglit na nagshower.

Ilang minuto lang ay natapos akong maligo at magbihis. Kinuha ko na ang susi ng kotse ko at lumabas ng building.
Paniguradong sa mansyon ang uwi ko nito mamaya. Ayoko pa naman nagtititigil dun dahil hindi ako nakakapag-uwi ng chicks. Tch.

Sumakay nako ng kotse ko. Sa buong byahe ko papuntang airport, hindi ko na nabilang kung nakailang hikab ako.

Ipinarada ko na ang kotse ko saka pumunta sa may arrival area. Wala akong dalang placard tulad ng hiling ng magaling kong kapatid. Di yun babagay sa ka-gwapuhan ko.

Ilang minuto lang ay natanaw ko na ang kapatid kong feeling gwapo. Makapaglakad akala mo model eh. Tch.
Sinalubong ko na sya. "What's up bro!"

Nagbeso kami. Pero joke lang. Kadiri pag ganun. Bahagya ko lang syang sinuntok sa may balikat bilang pagbati.

"Tangna brad hindi ka man lang makahabol ng ka-gwapuhan saken."

Ganda ng bungad ng mayabang kong kapatid. Tch. Ipapakilala ko lang, si Lorence Palermo, isang napakayabang na kapatid. Hahaha. Ilag yan sa babae. Bakla yata. Wahaha. Pero aaminin ko na mas gwapo sya saken. Isang paligo lang naman ang lamang nya saken. Sobrang pilosopo nyan. Doble ng ugali ko.

"Tara na brad. Natutulala kapa dyan? Na-amazed ka ba sa kagwapuhan ko? Inggit ka na naman."

=__=

"Tara na bago pa kita maupakan. Tch." Sabi ko saka naglakad na kami pasakay sa kotse ko.

"Nakakamiss din ang Pilipinas." Sabi nya nang paandarin ko na ang kotse.

Napakahinang nilalang. Isang maleta lang dala. Mukhang hindi sya magtatagal dito sa Pilipinas.

"Wag ka mag-alala brad. Hindi ka namiss ng Pilipinas." Biro ko.

"Pakyu." Sagot nya. "Wala akong pasalubong sayo. Wala akong pambili eh."

"Lokohin mo lelong mo. Wala ka na ngang inatupag kundi magpayaman. Tch. Punong puno na ba ang bank account mo? May space pa saken. Hahahaha."

"Ulul. Puro ka kase babae. Magbago ka nga. Tch. Para kang mauubusan eh. Ewan ko lang pag napikot ka." Sabi nya.
Tangnang salita yan. "Pikot" ang isa sa word na pinakaiiwasan ko. Kinikilabutan ako dyan.

"Tangna brad. Kahit babaero ako nag-iingat naman ako. Para saan pa ang trust condom?"

"Hahahahahahahaha!"

=_=

Tinawanan lang ako ng ugok kong kapatid. "Anong nakakatawa?"

"Hindi porket may salitang TRUST sa condom ay mapagkakatiwalaan mo na yan. Dahil pag pumasok na ang word na pikot, wala ka ng kawala. Tapos ang makakapikot pa sayo ay transgender. Wahahahaha!"

*sreeeccchhhh*

=__=

Napa-preno ako. Langya. Kinikilabutan ako sa sinasabi ni Lorence. "Manahimik ka na nga." Pagsusungit ko.

"Igalang mo nga ako. Mas matanda pa rin ako ng isang taon sayo."

=_=

"Tch."

"By the way, one month lang ako dito sa Pilipinas. May pinapaayos si Papa sa kompanya."

"Sa Palermo Enterprise? Maayos naman dun. Kayang kaya ko na ang pamumuno dun." Sabi ko.

Biglang sumeryoso si Lorence eh. Ako pa naman CEO sa Palermo Enterprise.

"May parating na problema kaya inunahan ko na. May isang business partner si Papa sa US na uuwi dito sa Pilipinas para sirain ang Palermo Enterprise dahil lang sa hindi pumayag si Papa na tuluyang makipag-merge sa kompanya nya dahil palubog na yun. Kaya target nya ang kompanya dito sa Pilipinas dahil pinaimbestigahan ka na nya. At alam nyang happy-go-lucky kalang kaya kakailanganin moko bilang back-up."

"Alam ba nung gagong yun na alam nyo na ni Papa?"

"Wala syang alam. Malinis syang magtrabaho. Tahimik pa. Sadyang may magaling lang tayong investigators para malaman ang plano nya. Kaya ihanda mo ang sarili mo. Hindi natin dapat ipahalata na may alam tayo. Papayag tayo sa ipo-propose nyang business deal at kelangan natin syang mahuli sa akto para maisupling sa pulis."

Namangha ako sa kapatid ko. Pagdatin kase sa katalinuhan at diskarte, walang wala ako dyan. Aminado ako don.

"Ge brad. Handa ako dyan."

"Wag ka munang masyadong mababae. Tch."

=_=

"Wag mo namang ipagbawal yun brad." Sabi ko. Aba, diko kakayanin na walang babae. Sila na nga lang nagtatanggal ng stress ko.

"Tch. Wala ka talagang pinagbago. Makabuntis ka sana."

*screeeeccchhh*

=____=

"Hahahahahahahaha!"

Nakakaloko na talaga ang kapatid kong 'to. "Gagyou!"

"Gagyou too Palermo!"

"Kausap mo ba sarili mo? Baka nakakalimutan mo, Palermo ka din." Nakapoker face kong sabi.

"Oo nga pala. Pakyu ka talaga Luke Evans Palermo! Sagad hanggang buto buto."

That's my brother. Psh. Mas harsh saken yan baka akala nyo. "Manahimik ka nga Lorence Earl Palermo!"

At pinaharurot ko na ang takbo ng kotse ko.

*
A/N : Yeeee! Lumabas na ang isa kong gwapong character. Si Lorence Palermo. Wag nyo ng itanong kung may OP na dahil matagal na syang may FB account.

Add nyo nalang, link: facebook.com/lorenceearl.palermo

Hashtag #CLGLorencePalermo

Casanova's Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon