Chapter 47

542K 8.8K 3.5K
                                    

Luke POV

What the fvck. 

Ang haba naman ng nakasulat natatamad akong basahin. Tangna naman oh. Kung 'di lang ako eager na malaman ang ginagawa ni Lorence eh. 

Binasa ko 'yung nasa laptop. Mga papeles..

Fvck! Mga investors at business partners ko 'to ah. Bakit nakapangalan kay Lorence? Bakit nakapangalan sa company niya sa US ang papeles na'to? Tiningnan ko ang dates. Bago bago lang. 

"Anong ibig sabihin nito?" Tanong ko kay Peter. 

"I tried to talk to those businessmans and there, others said that they been decieved by your brother. Magaling daw na businessman ang kapatid mo. Magaling din siyang magsalita kaya madali silang nahikayat na mag-transfer ng business deals sa Palermo Enterprise na naka-base sa US--na siyang pag-aari ng kapatid mo."

Damn it. Unti-unti niyang kinukuha ang mga business partners ko? What the hell. Parang hindi ako makapaniwala na ginagago ako ng kapatid ko. Sabi niya nandito siya para tulungan akong ayusin ang anomalya sa kompanya ko pero anong ginagawa nya? Inaahas pala niya ang mga business partners ko. 

"May isang bagay ka pang dapat malaman." Sabi ni Peter. 

"Ano 'yon? Sabihin mo lahat ng nalaman mo."

"I tortured him last night. Your stalker. Sapilitan ko siyang sabihin sa'ken lahat ng nalalaman niya."

Tangina kinakabahan ako. Ano pa ang dapat kong malaman? Bukod sa pag-ahas sa kompanya ko, ano pa ang kayang gawin ng gago kong kapatid?

"He was paid by your brother. Lorence recommended him to your father para bantayan ang mga kilos mo. In short, tauhan siya ng kapatid mo sa US. Kaya siguro nakapasok siya sa office mo dahil na rin sa kapatid mo. At ang pinakamalaking bagay na dapat mong malaman, walang nangyayaring anomalya sa kompanya mo. Walang businessman na umuwi dito sa Pilipinas para sirain ang kompanya mo. Lahat ng iyon ay gawa-gawa lang ni Lorence. Ginawa niyang dahilan yun para makauwi siya rito at magkaroon ng access sa kompanya mo. Brainwash ang ginawa niya sa Papa mo. Pinaniwala niya itong may anomalya sa kompanya mo at willing siyang tulungan ka. Siniraan ka niya. He even said that you're always busy with your girlfriend named Charisse Alano. Sinabi rin niya sa Papa mo na napansin niyang hindi ka nakaka-focus sa pag-solve ng problema sa kompanya mo kung andyan ang girlfriend mo. Ang kapatid mo rin ang nag-suggest sa Papa mo na paghiwalayin kayo." Paliwanag niya. 

Parang ayaw mag-sink-in sa utak ko ang mga sinabi niya. Putangina, walang anomalya sa kompanya ko at gawa-gawaan lang lahat ng gago kong kapatid?!

"Sir Luke, pinagkakatiwalaang tauhan ni Lorence ang stalker mong nahuli natin kaya alam niya ang lahat. Silang dalawa raw ang magkatulong sa mga ginagawa nilang anomalya. Nabanggit din daw ng kapatid mo na liligawan niya ang girlfriend mo hanggang mawala ito sayo. Malaki ang inggit na nararamdaman niya sa'yo. You're a fvcking playboy and happy go lucky but you're happy. You have the biggest company, you have the kindest girlfriend. Halos nasayo na daw lahat. Bakit daw sa kabila ng pagti-tiyaga niya, siya pa yung nasa baba mo samantalang ikaw na puro pa-sarap lang ang alam, nasa itaas. He envy you so much to the point na kaya ka niya sirain at agawin ang lahat ng nasa'yo."

Casanova's Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon