Chapter 37 ♣ Wow

402K 7.8K 970
                                    

Charisse POV

Panibagong araw. As usual, iisa naman ang routine ko dito sa Palermo Enterprises. Umupo dito sa table ko, i-check ang schedules ni Palermo at ayusin ang papeles na for signing.

Medyo maganda ang araw ko ngayon dahil pumasok na ulit si Sir Lorence. And guess what? Lalo syang gumwapo. Bagong gupit eh. Crush ko talaga yon.

"Tch! Ano bang akala ni Papa sa'ken? Magdadaya? Langya naman!"

"Ingay mo! Manahimik ka nga."

Nag-angat ako ng tingin nang marinig ang boses nina Luke at Lorence na kakalabas lang sa private office.

"Miss Alano, can we talk?" Tanong ni Lorence.

"A-ah, sure sir. About saan po?" Tanong ko.

Tumingin sandali si Lorence kay Luke na nakatingin naman sa'ken saka nagsalita. "I want to talk to you privately."

Hala? Private? So hindi basta basta lang ang sasabihin nya? Tatanggalin na kaya ako sa trabaho? May nagawa ba akong mali? May kasalanan ba ako? Jusko. Di pa ako ready mawalan ng trabaho.

"Tch. Private, private ka pang nalalaman, Lorence. Hindi na uso sa panahon ngayon 'yan! Parang facebook lang 'yan. I-public mo lang!" Singhal ni Luke.

Diko alam kung matatawa ako sa sinabi nya. Minsan, may sense din ang sinasabi ni Palermo eh. Kakaiba 'yung feeling ko. Parang unti-unti ng nawawala ang bitterness ko kay Luke kapag sya lang ang andyan, pero 'pag nakikita ko sya with other girls, bitterness level 999.

"Miss Alano?"

Bumalik ang isip ko sa kasalukuyan. "Yes, Sir Lorence."

"Let's have some coffee. Outside the company."

Nag-alinlangan ako. "Pero sir. Oras ng trabaho ko, walang maiiwan dito sa table ko. Hindi po ba pwedeng dito nalang?" Tanong ko.

"May point ka nga. Okay. Ganito nalang. Ikaw Luke, dito ka muna sa table ni Miss Alano. Mag-uusap kami sa loob ng private office." Sabi ni Lorence kay Luke.

Inutusan nya ang CEO na umupo sa table ng secretary? OMG talaga 'tong si Lorence. Ang cool ng personality kahit mahilig sila magmurahan magkapatid.

"Tangnang 'to! Ako pa uutusan. CEO ako dito, Lorence. Tch. Pwede mo namang sabihin dito na!" Sabi ni Luke.

"Gusto mo lang marinig, gago ka! Tsismoso, kalalaking tao. Tch!"

Okay, nagmumurahan na naman sila. Ang sweet talaga nilang magkapatid. Grabe.

"Tch! Gaano ba ka-importante ang sasabihin mo ha?"

"Personal matters." Maikling sagot ni Lorence.

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Medyo nakakahilo ha.

"Personal matters? Tungunu, Lorence! At talagang sa oras ng trabaho? Kelan ka pa naging malandi?"

"Tangna mo! Ikaw lang ang Palermo na malandi. Ako, disente! Potek! Wala ka na don, kung anumang personal matters ang pag-uusapan namin."

"Itsura mong 'yan, disente? Tangna mo pala. Mas disente pang tingnan ang magba-balot dyan sa labas kesa sayo! Ano nga yun!"

"At ikaw? Malandi ka pa sa higad! Langya! Wala ka na nga dun!"

Teka ha, out-of-place ako dito. Juice colored. Para silang mga babae kung mag-sagutan. Plus, puro murahan.

"Tangna Lorence! Binabalaan kita."

Casanova's Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon