Chapter 26 ♣ Brokenhearted

542K 8.8K 1.6K
                                    

Charisse POV

Matapos kong makipagbakbakan sa sandamakmak na papeles na inayos ko, sa wakas ay makakauwi na rin ako. Overtime na pala ako. Kelangan kasi ang mga papeles bukas. Mag-a-alas-otso na ng gabi. Iilan nalang siguro ang narito sa company. 

Si Luke? Hindi na siya bumalik dito sa company kanina after naming mag-lunch. Malamang naghahanap na naman ng babaeng mala-landi niya. Psh. Si Sir Lorence naman, kanina pa nakauwi. 

Nag-inat-inat ako. Grabe, ang sakit ng batok ko. Feeling ko pagod na pagod ako. Para akong nagbuhat ng sandamakmak na kahoy. 

Nang maayos ko na ang ibabaw ng mesa ko, pati ang shoulder bag ko ay nagpasya na akong umuwi. Tumayo na ako bitbit ang shoulder bag ko saka sumakay sa elevator pababa. 

Okay. I'm alone here at the elevator. Natakot naman ako bigla. Baka magaya ako sa mga movie na biglang masisira o titigil ang elevator. Waaaa! Wag naman po. Wala akong kasama dito sa loob. Kung kasama ko ba si Sir Lorence, e'di okay lang sana. 

Pigil-hininga akong nakatingin sa tass kung saan naka-indicate kung saang floor na. Jusko! Nakahinga lang ako ng maluwag nang nasa first floor na ako. Thanks God I'm alive. 

Pagbukas ng elevator ay lumabas agad ako. 

"Ginabi na po kayo Ma'am." Sabi ng guard. 

"Oo nga eh."

"Naku, Ma'am, sa area na'to, wala ng masyadong nadaan na mga sasakyan kapag ganitong oras. Taxi nalang ho pero mapanganib kasi ang mga taxi 'pag ganitong oras."

Kinabahan naman ako. Sabagay, napapanood ko sa balita yung mga nahohold-up sa mga taxi. Eh paano naman ako uuwi?!

"Anong iba pang masasakyan dito?" Tanong ko sa guard. 

"Naku doon pa ho sa kabilang side. Doon ho marami pang nadaan. Kaso ho, tatawid pa kayo ng overpass."

Hala naman. Napakamalas ko naman. Parang natakot naman ako. Kasi naman, first time kong magpa-gabi ngayon. 

Anong gagawin ko? Natatakot ako eh. Kung tatawid ako sa overpass, baka naman may mga mantrip sa'ken. Kapag nag-taxi ako, baka mahold-up pa ako. Waaaaa! Ano bang gagawin ko. 

"Kung ako ho sa inyo Ma'am, magpasundo na lang kayo sa mga kakilala nyong may sasakyan para safe kayo. Dapat po ay hindi kayo nagpa-gabi. Kaya nga ho maaga ang oras ng uwian dito dahil gusto ng namumuno sa kompanya na safe pa din ang mga empleyado. Kaming mga guard naman ay stay in dito sa kompanya."

Waaa! Kasi naman di ko akalaing aabot ako ng ganitong oras. Pero maaga pa naman ang alas-otso diba? So kaya mga four, tapos na ang oras ng trabaho? Ganon?

Eh kanino naman ako magpapasundo? Wala naman akong kakilalang mayaman na may sasakyan. Ang bestfriend ko, wala naman yung sasakyan. Pamilya ko, wala din. Kung sa pinsan ko kayang si Chelsea? Pero nakakahiya. Nag-aalaga pa 'yun ng anak nila. Waaaa! Anong gagawin ko?

Casanova's Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon