Chapter 48

528K 8.7K 1.7K
                                    

Charisse POV

Nasa daan na kami ni Luke papunta sa condo unit niya. Kanina pa ako kinakabahan. Kasi naiisip ko na may possibility na maulit 'yung nangyari sa'men. Tapos naalala ko pa 'yung sinabi nya kay Lorence na dapat buntis na ako. At lalong naalala ko pa ang pinaglalaban nyang cobra daw niya at hindi worm. Hindi ko naman sinasadyang masabing work 'yung "kanya" eh. I was just kidding that time. 

"Nervous?" Tanong ni Luke. Natural naman! 

"No." Pagsisinungaling ko. Nakakahiya kaya! Alangan namang sabihin kong kinakabahan ako dahil mami-meet ko na naman ang cobra nya. Bwisit na lalaki!

Tumigil ang kotse niya dahil naka-stop. He sighed. "Hindi naman tayo dapat magmadali 'di ba? Parang medyo traffic pa." Cool na sabi nya. 

Kunwari pa siya pero alam kong sa loob loob nyan, kating-kati na 'yan na makarating sa condo niya. Malandi talaga. 

Tumango ako pero nag-iisip ako ng pwedeng segway sa kanya. Parang ayoko munang pumunta kami sa condo niya eh. Ayokong gawin ulit namin "yun" nang may hiya at pagka-ilang akong nararamdaman. Mas maganda 'yung kapag natural nalang na mangyayari. 'Yung kusa. 

May naisip ako. "Luke.."

"Oh damn! Charisse. Wag mo naman akong akitin agad. Makakapaghintay 'yan. Let's take it slo--ARAY!"

Hinampas ko nga. Napaka-feeler talaga. "May sasabihin ako! 'Wag ka ngang puro kalandian nasa isip mo. Psh."

"Oo na. Tch. Sungit. Buntis ka na ba agad?"

Nag-pokerface ako. Baliw talaga. Akmang hahampasin ko ulit sya nang pigilan niya ako. 

"I'm driving. Fvck, Charisse! 'Wag kang manghampas ng manghapas. 'Pag ako 'di nakapagpigil, katawan ko ihahampas ko sa katawan mo eh. Dito mismo sa kotse. Wahaha."

"Bastos ka talaga!" Sigaw ko. 

"I'm Luke Evans Palermo. Kung ano ako na nakilala mo, gano'n pa rin ako. Hindi ako magbabago, except sa kalandian ko para lang mapatunayan ang sarili ko. Saka, minahal mo akong ganito ako eh kaya panindigan mo 'yan. Habambuhay."

Napalunok ako nang marinig ko 'yung habambuhay. "W-Walang forever." Nasambit ko. Malay ko ba't 'yun nasabi ko. Eh, bigla akong na-tense! Si Luke kasi eh. 

Luke will always be Luke. 

"Tch. Hangga't may forever sa dictionary, maniniwala akong may forever. Malandi ako pero nanainiwala akong habambuhay tayong dalawa. Pakakasalan na nga kita eh. Tapos mamaya, bubuntisin na kita para sure na at wala ng humadlang pa sa'ting dala--AWW! FVCK!"

Itinigil nya ang kotse at itinabi sa gilid ng highway. Hinampas ko ulit sya eh. Ang bunganga talaga eh. Jusko! Hindi ko alam pero minahal ko talaga si Luke nang ganito sya. 

"Napakabastos talaga! Ikaw, Luke.."

"Tch. Nagda-drive nga ako, baby. Nakakarami ka na ng hampas sa'ken. Bahala ka 'pag ako gumanti, bata ang kalalabasan. Wahahahah--AHH SHIT! MASAKIT YUN!"

Casanova's Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon