Charisse POV
Narito na kami sa condo ni Luke. And guess what? Ang ganda ng condo unit niya. Kung sabagay, ikaw ba naman ang CEO ng isa sa pinakamalaking company sa bansa.
Umupo ako sa couch habang sinusundan ng tingin si Luke. Dumiretso siya sa taas. Baka magpapalit ng damit? Kitams. Basta nalang ako iniwan eh. 'Di man lang nagpa-alam. Psh. Mukhang frustrated talaga sya dahil don sa..
Hahahaha. Natatawa talaga ako. Dun sa transgender chuva na yun.
Wala pang limang minuto, bumaba na rin si Luke at tulad ng inaasahan ko, nagpalit nga sya ng damit. Naka-suit kase sya kanina samantalang ngayon ay naka-short na sya at puting sando. Akalain mong may muscle pala 'tong si Luke. 'Di halata ha.
Dumiretso siya sa bandang kusina. Yung laman pala ng plastic na binili nya kanina ay beer in cans at ilang chips.
Dinala niya yun dito sa may center table. "Umiinom ka ba?" Tanong nya.
"Slight?" Umiinom naman talaga ako dahil na rin sa barkada nung college pero ngayong nagta-trabaho na ako, bihira na akong lumabas kasama ang barkada ko kaya 'di na din ako nakakainom.
Ipinatong niya ang ilang beer in cans sa mesa, ang isa, sa tapat ko. "Ayos lang kahit 'di mo ubusin." Sabi nya saka naupo sa tabi ko.
"Tch. Badtrip na badtrip talaga ako." He murmured.
Nakakaawa naman 'tong si Luke. Na-karma kase agad eh. "Dahil ba dun sa.." Nag-aalangan pa akong sabihin. Baka ma-highblood eh.
"Because of that fvcking gay! Tch!" Sabi nya saka agad na tinungga yung canned beer.
"Ikaw naman kase, hindi mo man lang na-amoy na ka-baro mo yun?"
"Tch. Maaamoy ko ba yun? Nasilaw na nga ako sa ka-sexy-han, putek!"
Gusto kong tawanan si Luke sa mga reaksyon nya eh. Kalandian naman kase. "Bakit ba ganyan ka ka-playboy? Parang hindi mo kakayanin ang isang araw na hindi mag-uuwi ng babae."
"Mga babae. Sila lang ang libangan ko. Isa pa, napapasaya nila ako. Yun ang mahalaga. Masama bang gawin ko kung ano yung nagpapasaya saken?"
"Wala naman akong sinabi. Do whatever makes you happy, as long as you don't hurt other people."
"Wala akong sinasaktan. Lahat ng naging babae ko, alam nila ang rules ko. Ang i-kama sila, yun lang ang maibibigay ko sa kanila. Nothing more. Bawal ang mag-assume saken."
See what casanova can do. Wala eh. They are born to be like that. Playboy is always be a playboy. Hangga't hindi sila tinatamaan ni Kupido, hindi sila magtitino.
Sa tingin ko naman, mabait si Luke. Babaero nga lang talaga. Siguro dahil hindi pa nya nararamdaman ang totoong pagmamahal. Yung pagtibok ng puso nya sa isang babae. Kaya ang nangyayari, nagiging fling lang ang lahat ng dumadaang babae sa buhay nya.
Pinanood ko lang syang uminom. Pa-inom-inom din ako ng konti. Medyo tumahimik kase si Luke. Ayoko namang mag-open-up.
"Can I ask you something?" Biglang tanong nya.
"Hm." Tumango ako.
"Bakit wala akong appeal sayo?"
O_O
Hindi pa rin ba nya nakakalimutan yung sinabi ko sa kanyang wala syang appeal saken? "Siguro kase playboy ka. Hindi kase sa lahat ng babae, malakas ang dating ng mga playboy na tulad mo. May mga scenario din na nakaka-turn-off yun sa ibang babae. Tulad ko, nate-turn-off ako sa mga playboy. Hindi naman kasi ako tulad ng ibang babae na nagpapaka-sasa lang sa mga lalaki. Isa ako sa mga babaeng naghahangad ng tru love."
"True love my ass. Tch. May naniniwala pa ba dyan? Kung totoong may true love, e'di sana wala ng nasasaktan. Wala ng umiiyak dahil sa love na yan."
May laman yung sinabi niya. May point naman sya. "Hindi ko naman sinabi na lahat natatagpuan ang true love nila, pili lang. At nasa-atin naman kung makakahanap natin ang true love natin."
"Tch. Kahit kelan. Hindi ako maniniwala sa mga ganyan. Love? Damn it. Mas uso na ngayon ang lust."
Iba talaga mag-isip ang mga playboy. "If that's what you think.."
Muli akong uminom. Beer lang naman 'to. Hindi ako malalasing nito.
"What's your dream?"
Anong klaseng tanong naman kaya yan? Parang ang lame. "Pangarap ko? Ang makapag-trabaho, matulungan ang magulang ko, makapag-ipon for future, magka-asawa ng mamahalin ako at makabuo ng isang masayang pamilya. Ganon ka-simple."
"Seriously? Do you think matutupad mo ang pangarap mong yan?"
Tumango ako. "No matter what the world takes away from you, it can never take your dream away."
"Tch."
"Bakit ikaw, ano bang pangarap mo?"
"Sa estado ko ngayon? Sa tingin ko, wala na. Wala na akong papangarapin dahil nasa akin na lahat."
May pagka-makitid ang utak nya. "Hindi ka man lang nangangarap na balang araw ay matagpuan mo ang taong mamahalin mo at mamahalin ka ng tapat?"
"I told you, love is not a big deal for me. I don't believe in love. Tch. I'm enjoying my life, now. I don't need that fvcking love as long as I have money."
Napailing nalang ako. Iba talaga 'pag iba ang pag-iisip. Bahala ka nga dyan. Wala syang sense kausap. Psh.
Tumungga ulit ako hanggang sa maubos ko na ang isang lata ng beer. Si Luke naka-tatlo na agad? Ganyan ba sya katakaw sa alak?
"Charisse.."
O_O
"Huh?"
"You are my girl, right?" Tanong nya.
"Sa condition lang. Not a real one." Sagot ko. Kakaiba yung titig ni Luke. Napapalunok tuloy ako.
"Kiss me."
O____O
Say whhhuuuttt?!
*
A/N : Hashtag #CLG