Chapter 23 ♣ Pretend Girlfriend

508K 7.8K 829
                                    

Charisse POV

"Ehem."

Napapitlag ako nang marinig ang pagtikhim niya. Paano ba naman kasi..

Napalunok ako. Letse, sa payat ba naman ni Palermo, may ABS pala siya!? Langya naman. Nakahubad kasi. At tanging short lang ang suot niya. 

"Tunaw na tunaw na ang katawan ko, shit." Nakangising sabi ni Luke. 

KYAAA! What..the..hell..

"Miss Alano, come here at get inside my car. O baka gusto mong buhatin pa kita?"

O___O

Natauhan naman ako dahil sa sinabi nya kaya dali-dali akong lumapit sa sasakyan niya saka sumakay. 

Napalunok ako. Ano bang meron at topless 'tong tingting na Palermo na'to?

Sumakay na si Luke sa driver's seat saka tiningnan ako sa tabi niya. "Ganito ba ako ka-hot para titigan mo, my pretend girlfriend?"

Psh. "N-nagulat lang ako. Bakit ba naka-topless ka?"

"May pool party sa bahay. May ilang bisita don. And my parents are there, too. Pati ang tigers at mga pinsan ko. I'm enjoying the pool nang mapansin kong oras na ng uwian mo. So I came here to pick you up."

So ganern? Hindi pwedeng magsuot nalang muna siya ng t-shirt? "Okay lang naman 'tong suot ko 'diba?" Tanong ko. 

Pang-office attire, as usual. 

"No. Dadaan mina tayo sa mall para makabili ng damit mo. And, konting make-over sa salon. Remember, ihaharap kita sa magulang ko." Sabi nya habang nagsusuot ng tshirt. 

Oh. May tshirt naman pala siya tapos kanina, kailangan, nakahubad siya kapag sinalubong ako? Aba matinde!

"Okay, may per--"

"Wala kang gagastusin. Ako ang magbabayad ng lahat." Sabat niya. 

Hindi na ako sumagot. E'di fine, ikaw na mayaman. Isa pa, tama lang pala na ikaw ang gumastos dahil pakana mo 'to. Psh. 

"Wear your smile. Wag mong sanayin ang sarili mo na nakasimangot kapag kasama mo ako."

Napatingin ako sa kanya. Bakit ganon, bakit parang lumungkot bigla 'yung boses niya? O akala ko lang 'yon? Nakatingin lang si Luke sa daan. 

Tumingin nalang ako sa bintana ng kotse. Bakit ba parang nakaka-tense 'yung feeling na magkatabi ngayon, magkasama sa isang kotse. Ano bang nangyayari sa'ken?

Ilang saglit pa ay nakarating kami ng mall. Naunang bumaba si Luke. Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya bumaba na rin ako. 

Casanova's Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon