Chapter 10 ♣ Bestfriend

592K 9K 1.5K
                                    

Charisse POV

Natapos ang araw ko na pagod. Ang daming ginawa sa office kanina. Idagdag mo pa yung depression ko dahil sa kalandian ni Palermo. 

Narito na ako sa jeep. Nagpupuno pa. Tumawag si Aileen kanina para makipagkita. Sweldo daw nya kaya ite-treat nya ako. 

Ayos na yun, nang ma-refresh naman ang utak ko. Bwisit na Luke talaga yun. Manyakis. 

Umandar na ang jeep. At last, gusto ko ng makarting ng mall para makita na ang bestfriend ko. Ilang araw na din kaming hindi nagba-bonding. 

Krrrinnggg..

Tumunog pa ang phone ko. Kinuha ko iyon mula sa bag ko. 

Aileen calling..

Napangiti ako. Ang excited ni Best. "Oh? Excited masyado?"

[Ang tagal mo kase eh. Kanina pa ako dito sa mall. Tutubuan na'ko ng ugat dito.]

"Una, hindi ako ang driver ng jeep kaya wag ka saken magreklamo at pangalawa, hindi ka puno pata tubuan ng ugat. Hintayin mo lang ako. Malapit na ako."

[Okay. Bilisan mo.]

*toot toot*

Kitams. Makapagsabi na bilisan ko, parang ako ang driver. Baliw talaga. Aish, tinanaw ko kung nasaang banda na ako. Oh tanaw ko na ang mall. Malapit lang naman eh tapos wala pang traffic kaya mabilis lang. 

"O, is-em dyan! Is-em! Bababa na!" Sigaw ng driver. Is-em daw, hindi SM. Hahaha. 

Bumaba na ako at tinungo ang entrance. Kinuha ko ulit ang phone ko. 

Dialling Aileen..

Habang nakatapat sa tainga ko ang phone ko, pumasok na ako dito sa loob ng mall. 

[Best?]

"Oh andito na ako sa may entrance. Asan ka banda?"

[Dito sa may National Bookstore.]

"Ah, sige sige."

Pinutol ko na ang tawag. Nasa second floor ang national bookstore. Sumakay ako ng escalator. 

Bigla namang pumasok sa isip ko si Luke Palermo. Aish! Ayoko nga syang isipin! Naiinis ako. 

Pag-akyat ko sa second floor, natanaw ko na agad si Aileen. "Best!" Sigaw ko. 

Tumingin sya at ngumiti. Senyales na nakita nya na ako. Lumapit na sya saken. "Ang tagal mo."

Casanova's Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon