"Hoy teh! Bakit ba naka-busangot yang mukha mo? Ang tamlay mo pa. May sakit ka ba?"
Tulad ng dati, napansin na naman ako ng kaibigan kong ito. Andito uli ako sa kanila. Ayoko sa bahay, hindi ko kayang makasama siya.
Halos isang linggo na kaming hindi nagpapansinan at masasabi kong natitiis niya ako. Bakit ang sakit? Hindi ako sanay. Hinahanap-hanap ko yung kakulitan niya.
Gusto kong magkaayos na kami pero hindi ko alam kung paano. Tsaka, hindi ko rin alam kung paano nabuo ang away na'to. Wala talaga akong idea kung anong dahilan.
"Grabe! Ang haba ng sagot mo. Pwedeng pwede sa MMK. Whoo! Kakaiyak" Sarcastic na sabi ni Ivy
Napa-bugtong ako ng hininga bago siya sinagot, "Nakita ko kasing may ibang kasama si Aivan sa mall nung isang araw"
"Sino naman yung kasama niya?"
"Hindi ko kilala pero babae"
"OMG! Baka girlfriend niya?" Gulat na tanong ni Ivy
"Hindi ko alam. At anong pake ko don? Di ko na kailangan alamin pa kung sino at kaano-ano niya yung mukhang linta niyang kasama"
Ngumiti ng nakakaloko si Ivy sa'kin kaya tiningnan ko siya ng nagtataka habang naka-taas ang isang kilay ko, "Ang creepy ng ngiti mo ha." Sabi ko sa kanya
"Nagseselos ka no? Mwahahaha"
Napalaki naman ang mata ko sa sinabi niya, "A-ako nagseselos?! Eww lang ha! Bakit naman ako magseselos sa babaeng puno ng make-up?! Mandiri ka nga, Ivy!"
"Boom! Hahahahahaha! Huli ka, Hara Izumi!" Sabi niya habang pumapalpak
"H-heh! Ewan ko sa'yo! Psh. Naiinis ako sa kanya kaya wala akong pake"
"Asus! Nagseselos ka lang eh. Hahahaha! Pero tanong ko lang, may nangyari ba?"
"H-hindi nga! Tsh. Wala. Ayos naman kami e, pero bigla na lang siya naging ganon"
BINABASA MO ANG
My Remunerated Bride
Romance[COMPLETED/EDITING] "Papayag lang ako sa kasal na'to para sa pamilya ko. Pagkatapos ng isang taon, mapuputol rin ang lahat. At magsisimula muli ako sa dati na parang hindi kinasal. Hanggang dito lang, hindi na sosobra pa." - Hara -- Cover by: emposs...