Ni-juu.

3.8K 64 0
                                        



"Drink this. Para makakalma ka kahit papano" Kinuha ko yung basong hawak niya tsaka ito ininom.



Naikwento ko na lahat sa kanya. Mula nung dumating si Angie hanggang sa nakita kong ginagawa nilang dalawa.



Iyak lang ako ng iyak dito. Hinayaan lang ako ni Ivy habang hinahagos ang likod ko. Nang mapagod ako ay tahimik akong sumandal sa sofa. Tulala. Iniisip ko si Aivan. Masaya na kaya siya dahil andyan na uli si Angie? Makikipag-hiwalay na ba siya sa'kin? Sa bagay, kasal lang naman kami sa papel. Walang pagmamahal don. Ha ha.



"Wag mo munang isipin yon, Hara. Magpahinga ka muna. Uuwi ka ba o dito ka muna magpapalipas ng gabi?" Tanong niya sa'kin



"Dito na muna ako. Ayoko pang umuwi" Tumango siya bilang sagot bago magsalita, "Oh sige. Magluluto na lang muna ako ng kakainin natin"



Naglakad na siy papuntang kusina kaya naiwan akong mag-isa dito sa sala. Chineck ko ang phone ko at nakita ko ang maraming missed calls at messages ni Aivan sa'kin. Bakit pa? Andyan naman na si Angie diba? Binuksan ko ang mga text niya sa'kin.



From: Tristan Aivan


Hara, where are you?

Hey! Please answer my call.

Are you mad?

Please Hara. Let me explain. Please.

Nag-aalala ako sa'yo. Asan ka ba?

Umuwi ka na, baby. Please. I miss you.

Hara.

Baby.

Babe.

Nagluto ako ng paborito mo. Please go home.

Answer my call, Hara.



At kung anu-ano pa. Naiiyak na naman ako. Bakit ganito? Gusto kong magalit sa kanya pero gusto ko rin siyang makita ngayon at yakapin siya ng mahigpit. Nakakainis! Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pinatay ko na lang ang phone ko at hinagis ito sa kung saan man. Kailangan ko muna ng space. Nalilito na ako.



"Hara, kakain na. Tara" Nabalik ako sa sarili ko ng magsalita si Ivy. Tumayo ako at pumunta sa dining area.



Pagkaupo namin ay nagsimula na kaming kumain. "Anong plano mo ngayon?" Napatingin ako sa kanya, "Huh?"

My Remunerated BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon