Hachi.

4.6K 74 0
                                    

"Nakabusangot ata mukha ng bestfriend ko?" Napalingon ako sa lalaking tumabi sa'kin

Andito kasi ako sa library ng school ko. Etong kasama ko? Siya si Ryuji Pao Ueda. Guy bestfriend ko dito. Matanda sa'kin ng ilang buwan. Half-pinoy rin siya pero nauna siya sa'kin ng isang taon dito sa Japan.

"Naiinis lang kasi ako kay Tristan"

"Yung napangasawa mo? Anong problema sa kanya?"

"One month na kaming nagsasama at two weeks na ang makalipas since nung kinasal kami dito. Pero mula nung ikasal kami dito, naging tamad na siya. Nakakainis! Ako na lang lagi nakilos!"

Ginulo nya ng konti ang buhok ko, "Chill. Highblood ka masyado. Bakit hindi mo kausapin?"

"Ayun na nga eh! Lagi na lang kaming nag-aaway dahil don! Nung unang week namin kahit papano nakilos pa siya e. Ugh t*ngina!"

Napailing siya sa'kin at tinapik ng mahina ang bibig ko, "Sabi ko wag kang magmumura diba? Kumalma ka na muna. Tara, libre kitang ice cream sa baskin robbins"

Tumango ako sa kanya bilang sagot. Tumayo na kami at naglakad papunta sa parking ng mga bike namin. Malapit lang naman yun dito kaya maglalakad na lang kami habang tinutulak yung bike.

"Bakit ba kasi naisipan mo pang pumayag sa kasal na yon?" Tanong niya sa'kin habang naglalakad

"Ang kulit mo rin. Haha. Diba nga dahil sa pera? Alam mo namang gipit kami"

"Sabi ko naman kasi sa'yo pahiramin na kita. May naipon naman ako"

"Ano kaba! Alam kong may pagkaka-gastusan ka niyan. Ayos lang naman to sa'kin kahit mahirap, isang taon lang naman"

"Pero kahit na. Di ka naman masaya dyan tsaka nag-aalala ako sa'yo eh. Baka mamaya may hawin na yung ugok na yon."

My Remunerated BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon