Juu-hachi.

3.8K 77 0
                                    




"Aivaaaaaaaaan!"



"Eto na. Tapos na po"



"tabi ka dito dali!" Sumunod naman siya sakin pagkatapos niyang ipatong yung pinaluto kong pancakes. Pinatong ko ang binti ko sa hita niya at pagkatapos ay pinalupot ang mga braso ko sa bewang niya.



Nakita ko namang napangiti siya at niyakap ako pabalik. Etong mga nagdaang linggo ay mas naging malapit pa kami at naging clingy ako. May tampuhan man pero naaayos rin namin agad.



9 months na kami at tatlong buwan na ang makalipas since ang matindi naming away. At yung gabi ng.... err! Wag nyo nang ipaalala! Shocks!



Bigla naman akong nakaamoy ng kung ano. Inamoy ko si Aivan at bumitaw ako bigla nung malaman kong sa kanya galing ang amoy, "Ang baho mo! Ihh! Alis nga! Magbihis ka muna don!"



Tumingin naman siya sa'kin ng may pagtataka, "Huh? Okay naman a? Paborito mo pa nga 'tong pabango na gamit ko diba?"



"Ah basta! Ayoko! Ang baho mo! Tsupi! Magbihis ka don!" At sinipa ko siya paalis ng sofa.



Napakamot na lamang sya sa kanyang ulo at naglakad papunta sa kwarto niya. Bakit kasi ang baho ng gamit niyang pabango e. Yan tuloy. Hmp.



Kinain ko na lamang yung pancakes na niluto nya. Pero may kulang e. Ah! Tumayo ako at pumunta sa kusina. Kumuha ako ng baso at sinalinan ko iyon ng gatas. Pagkabalik ko ay pinatong ko ito sa mesa at hiniwa yung pancakes. Sinawsaw ko ito sa gatas pagkatapos ay kinain. Waaaah! Ang sarap sarap!



Pinagpatuloy ko lang ang pag-kain ko at maya-maya pa'y dumating na rin si Aivan. Tumabi siya sa'kin pero hindi ko siya pinansin. Focus ako sa pagkain ko ngayon. Hihi.



"What the f*ck?" Napatingin ako sa kanya at nakita kong nakatingin siya sa'kin na para mong may ginawa akong masama. "What?" Taas-kilay kong tanong sa kanya



"Ano yan? Bakit sinasawsaw mo sa gatas? Diba dapat sa syrup yan?"



"Bakit ba! Ang sarap kaya!"

My Remunerated BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon